CAPÍTULO dos

19 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V
Ang bigat ng mga paa ko't hindi ko maihakbang sa tatlong hagdang nasa harapan ko. Hindi ko alam kong bakit ako nakakaramdam ng kaunting kaba sa mga oras na ito.

"Tuloy, hija" si Nana, nasa pintuan ilang metro ang layo sa akin. Sa kanan niya nakatayo ang isa pang babae, siguro nasa edad kwarenta nakasuot ito ng simpleng uniporme, maamo ang mukha at nakangiting nakatingin sa akin.

Akmang bubuhatin ko ang maletang inilapag ko ng bumbaba kami ng sasakyan kanina, pero lumapit sa akin ang isang lalaking ngumiti pa bago kinuha iyon. Sa tantya ko'y kaedad ito ni Nana Lumen, karespe-respeto ito sa suot na long sleeves, itim na slacks at balat na sapatos.

"Ako na ito, halika, pasok na at mainit na dito sa labas" dumeretso siya ng lakad papunta kay Nana, nakita ko pang bumeso ito kay Nana bago dumeretso sa loob ng bahay.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa loob ng bahay ni Nana Lumen ngayon, bumungad sa akin ang malawak na sala na may naggagandahang muwebles, may mangilan ngilang lumang portraits, may mga pinggan, at naglalakihang pigurin na halatang antique.

"Matagal na rin ang huling uwi mo, Lumen ano?" yung babaeng nakatayo kanina sa pintuan. Napatingin ako sa kanya, halatang nagagalak ang mga mata nitong makita si Nana.

"Oo Tess, maliit pa si Marco noon eh, teka nasan na nga ba ang batang 'yun?" luminga linga si Nana.

Siguro ang tinutukoy nito ay ang anak na lalaking nababanggit niya sa akin mula pa noong bata ako.

"Señorita, aah... eh..." tumingin sa akin yung isang babae, parang may gustong sabihin pero hindi mabigkas ang mga salita.

Tumingin si Nana sa akin, nakangiti siya na parang naintindihan na ang nangyayari.

"Tess, marunong mag-Filipino 'yang si Anastacia" lumapit sa akin si Nana. Nakita ko na parang nakahinga ng maluwag ang babae dahil sa narinig.

"Hija, ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na rin" hinawakan ni Nana ang kamay ko saka ako iginiya sa paglakad. Tumingin ulit ako kay Tess na nakangiti sa akin bago namin lisanin ni Nana ang sala.

May kalakihan ang bahay ni Nana, hindi naman sa pagtataka pero nakaramdam ako ng pagkabigla. Habang naglalakad kami ay mas lalo ko pang napagmasdan ang kabuuan ng bahay. Hindi ko akalain na ganito kagara at kalaki ang bahay ni Nana. 

Naramdaman ko ang pagtigil ni Nana sa paglalakad, nasa harap na kami ngayon ng isang pinto. Pinagmasdan ko ulit ang paligid. Napansin yata ni Nana na napatingin ako sa katabing pinto kung saan kami nakatayo.

"Iyan ang kwarto ni Marco" sabi ni Nana. "Yung pinto namang 'yon" turo ni Nana sa pintong nasa likod ko "Yan ang silid ko, at yung nasa kanan ay kay Tess" paliwanag ni Nana.

"Halika, pinalinis ko na ito kay Tess" binuksan ni Nana ang pinto.

Napakaaliwalas ng loob ng kwarto, kulay puti ang kurtina, punda ng unan, bed sheet, at comforter. Sa gilid ng kama ay may lamesa at upuang gawa sa kahoy at may malaking built in cabinet. Ganito rin ang ayos ng kwarto ko dati, mas maliit lang ito at mas simple ang mga kagamitan.

"Maiwan na kita hija, tawagin mo lamang ako kung may kailangan ka" paalam ni Nana.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka ibinagsak ang sarili sa kama, kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko. Hindi ko namalayan ang pagkagat ko sa ibabang labi para lang pigilin ang pag-iyak. Unti unti ko ng nararamdaman ang bangungot sa buhay ko. Labingwalong taon akong nanirahan sa Espanya, at ngayon nandito ako sa Pilipinas at nakikitira sa bahay ng criada ng aming pamilya. Napakamapanuya nga naman ng tadhana.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon