CAPÍTULO tres

20 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V
Nagmamadali ako ngayon palabas ng bahay ni Nana dahil kanina pa raw naghihintay si Marco sa sasakyan. Pagpasok ko sa sasakyan, naroon na nga si Marco, naka uniporme habang ako nakapang civilian, sa unahan nakaupo si Marco, katabi ng driver mag-isa lang ako sa passengers' seat.

Naalala ko tuloy ng minsang marinig ko si Nana na pinagsasabihan ang bagong criada na assigned ni Papa sa akin.

"Tome el asiento delantero en su lugar, Anastacia no quiere a alguien a su lado dentro del auto"

Naghari ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang papunta kami sa bagong eskwelahang pinag-enrollan sa akin ng asawa ni Nana.

Sa pagkakaalala ko ayon sa sinabi ni Nana kahapon, Escuela de Ademar ang pangalan ng eskwelahan. Hindi naman na ako nagtanong pa ng kahit na ano tungkol dito, hindi naman na ako nag-iexpect na kasing prestihiyoso ito ng dati kong pinapasukan sa Madrid, pero sabi ni Nana Spanish school daw ito, halata naman sa pangalan.

Natigil ako sa pag-iisip ng huminto ang sasakyan, bumaba na si Marco kaya sumunod na rin lang ako. Mukhang kakainin ko yata ang sinabi ko kanina dahil nagkamali ako ng hinala sa eskwelahang ito. Ang disensyo ay tulad din ng disenyo ng mga gusali sa Madrid, modernized lang siguro itong nasa Pilpinas, hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng paligid.

"Ang Admin na ang bahala sa 'yo" si Marco saka tumigil sa paglalakad. Kumatok siya sa malaking pintong nasa harapan namin ngayon, nang magbukas ito ay hindi niya na ako sinamahan pa sa loob.

"Inayos na ng Gobernadorcillo ang mga documento mo pero gusto kong i-fill out mo 'tong forms na 'to" bungad sa akin ng isang lalaking may katandaan na, matapos niyang ilabas ang forms at ball pen tumingin siya sa akin.

Gobernadorcillo? Pagtataka ko, ang tinutukoy ba nito ay ang asawa ni Nana?

"Maupo ka, hija" itinuro nito ang bakanteng upuan na nasa harapan ng malawak niyang mesa.

Sinunod ko siya at sinimulang i-fill out ang personal information sheet na ibinigay niya, dalawang kopya iyon kaya sinulatan ko na pareho.

"Dahil huli na ang pagpasok mo at hindi ka na-orient, ito ang Hand Book ng eskwelahan, lahat ng dapat mong malaman nariyan na" kinuha ko ang iniabot niyang maliit na librong may kakapalan.

"Pero itong rule na 'to ang gusto kong ipaliwanag sa'yo" napatingin ako sa Ginoo, hinila niya ang drawer ng kanyang lamesa.

"Dito sa EdA, nahahati ang mga estudyante sa dalawang grupo" panimula niya, saka iniabot sa akin ang isang maliit na badge.

"Ang Roman Empire at Carthaginian Empire, at ang badge na hawak mo ang magde-determine kung anong Empire ka kabilang"

Nagsisimula na akong maweirduhan sa eskwelahang ito, bakit may ganun pa? marami pa siyang pinaliwanag sa akin tungkol sa dalawang Empire pero hindi ko na inintindi pa. Binigay niya sa akin yung isang kopya ng information sheet, kasama nung maliit na badge ay ipinasok ko ang mga ito sa bag ko.

"Bienvenida a la escuela de ademar" ito ang end speech ng Ginoo. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa klase ko.

Alam kong pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko, wala naman akong pakialam kung anong tumatakbo sa isipan nila. Ganun ba ka-weird mag-transfer at the middle of school year? o baka naman ngayon lang sila nakakita ng magandang transferee. (Buhat ng sariling bangko)

Sa wakas narating ko na ang classroom na nakasulat sa hawak kong maliit na papel, pero bago pa man ako makapasok ay may dalawang babaeng sumalubong sa akin.

Nakita ko ang tingin nung isa sa akin mula ulo hanggang paa. Samantalang yung isa titig na titig sa damit ko, tapos sunod niyang tinitigan yung dala kong maliit na bag, pagkatapos ibinaba niya ang tingin sa suot kong sapatos. Nanatili akong nakatayo, hindi rin naman kasi ako makapasok dahil nahaharangan nila ang pinto.

"Hi, Im Ximena and this is Savanah" maarteng pagpapakilala nung una.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa nagsalita, yung Ximena, nagtaka ako kasi pagkatapos niyang suyurin ang damit ko, sapatos ko at bag na dala ko ay saka siya nagpakilala. Wews.

Marahan akong napasinghal. Requirement ba sa eskwelahang ito na suyurin muna ang gamit ng isang tao bago makipagkilala? Nakatingin pa rin sa akin yung dalawa, pero pansin kong nag-iba na ang timpla ng mukha nung Savanah. At hindi ako nagkamali.

"What?! Kami na nga tong nakikipagkilala sa 'yo" pagtataray niya sa akin.

Hindi ko pa rin sila pinansin saka ko iniwas ang tingin. Malamang magri-react na naman to kasi mukhang inirapan ko sila. Pero ang totoo, wala lang akong kaintres intres sa mga taong tulad nila.

"Sino ka ba sa tingin mo, ha?" si Ximena, at naramdaman ko ang paghawak niya sa kanang braso ko. Nabigla ako sa ginawa niya kaya tiningnan ko siya ng masama. Sino ba siya sa akala niya para hawakan ako?

Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko kaya mas lalong nag-urumentado ang mukha ng dalawa.

"Girls, anong nangyayari rito" lumapit ang isang babae, at tulad kanina tiningnan din ako nito mula ulo hanggang paa bago sinenyasan ang dalawang babae na tumigil.

"Akala mo kung sino..." bulong pa ni Ximena bago sila dumistansya sa akin.

"Sierra..." agad na lumingon ang babaeng bagong dating. Si Marco pala yung tumawag, ibig sabihin kilala niya 'tong mga to.

"Mine!" parang batang lumapit si Sierra kay Marco at humawak sa braso nito.

Mine? Napangiwi ako sa narinig ko, girlfriend pala ni Marco ang babaeng 'to. Nagkatinginan kami ni Marco bago siya nagsalita.

"Pumasok ka na" sabi niya.

Narinig ko pang nagsalita si Sierra bago ako makapasok.

"Mine, who is she? Bakit kilala mo siya ha? Don't tell me..." etcetera etcetera, sa nagtatampong boses.

Katulad kanina lahat ng mata ay nakatingin sa akin pagpasok ko, bukod pa roon, nagbubulungan pa sila.

As if I care?

Umagaw sa atensyon ko ang itsura ng classroom, isang malawak na plain white at may naglalakihang binatana na gawa sa salamin. Walang kahit na ano sa loob ng classroom liban sa dalawang flag na nakasabit sa unahan. Ang kulay asul ay may drawing ng babaeng stick figure na may pasan pasang naka-clockwise waning crescent moon ay nakasabit ng maayos sa gitna samantalang ang kulay pula naman ay may agila sa gitna na napalilibutan ng laurel leaves ay nakahilig sa kaliwa.

"Uy, pare ang ganda" narinig kong bulong nung isa na nagpabalik sa ulirat ko.

Naghanap ako ng pwedeng maupuan, buti na lang mayroong dalawang vacant seat sa hulihan kaya doon ako pumunta. Kaso nga lang ng makalapit ako sa upuan, hinarang ako ng isang lalaki.

Ano ba naman tong school na 'to, usong uso ang harangan asik ng isip ko. Tiningnan ko siya, seryoso ang tingin niya sa akin. Kalalaking tao papatol yata sa babae. Biglang nag-upuan ang mga kasamahan kong estudyante sa loob ng classroom kaya lumingon ako sa harap. May nakatayong lalaki, medyo may katandaan na, siguro siya ang Propesor.

Hindi ako nagkamali dahil agad na binati ng mga kasamahan ko ang lalaki sa harapan. Señor Alfonso pala ang pangalan.

"Hija, are you Anastacia?" baling niya sa akin, tumango ako bilang sagot.

"C'mon introduce yourself in front of the class" lumapit ako sa kanya at humarap sa klase.

"Good morning... Im, Anastacia..." parang nag-aabang pa ng iba kong sasabihin ang mga kaklase ko, tahimik sila pero nakikita kong mayroon pa silang ibang gustong malaman bukod doon. Ang ilan ay nakatingin sa bahagi ng kanang dibdib ko, kaya ganun din ang ginawa ko sa kanila. Nakita kong may suot silang badge, pero hindi pare-pareho iyon. Pinakamarami ang kulay pula, ang iba kulay asul.

Tumingin ako sa Propesor na parang nagsasabing Sir ano na? 

Isang simpleng ngiti ang ginanti nito sakin, bago sinabing, "You may take your seat"

Umupo ako doon sa isa sa bakanteng upuan kanina, tiningnan ko yung lalaking humarang sa akin, nakatingin din siya sa akin na parang pinagbabantaan akong huwag umupo sa upuang iyon.

Nagkibit balikat ako at dumeretso sa upuan.








SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon