CAPÍTULO cince

4 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

"Mine sabi mo sabay tayong mala-lunch kahapon" nakanguso si Seirra habang nakakapit sa braso ni Marco.

"Yours, diba sabi ko sa 'yo may inasikaso kami sa Office ng Student Council" paliwanag naman ni Marco habang pinipisil ang pisngi ni Sierra.

"Mamaya Mine sabay na tayo ha, hindi kasi ako makakain ng maayos"

Napangisi ako sa narinig ko, para silang mga ewan. Napatingin sa 'kin si Sierra, napansin niya siguro na kanina ko pa sila tinitingnan ni Marco.

"Bakit Anastacia?" parang batang nagtaray si Sierra. Hinigpitan pa niya ang pagkakakapit sa braso na Marco na para bang "akin lang 'to" pero sa isip ko natutuwa ako tuwing ginagawa ito ni Sierra.

Akala mo'y laging aagawin sa kanya si Marco.

"Yours hayaan mo na si Anastacia, wala kasing boyfriend 'yan" nang-uuyam na nakatingin sa 'kin si Marco ng sabihin niya 'to.

Excuse me? Napairap na lang lang ako sa dalawa 'to na hindi man lang nahihiyang maglambingan sa loob ng klase.

Napatingin ako sa katabi kong upuan, nasan na kaya si Stefano? Hindi ba dapat nandito na rin siya? O baka naman may iba pa siyang pinagtripan bukod sa 'kin kaya wala pa siya rito hanggang ngayon.

"Hinahanap mo 'ko?" agad kong nilingon ang nagsalita sa kaliwa ko.

Ang preskong si Stefano, dumeretso ito sa upunan niya.

Heto na naman, nararamdaman ko na naman ang kakaibang kaba sa tuwing nariyan ang presensya ng lalaki 'to. Simula ng banggitin ni Marikit sa 'kin ang pangalang Stefano hanggang sa makita ko siya at makilala, ay lalong lumalala ang uneasiness na pakiramdam ko sa kanya.

"Buenos dias" hindi ko na napansin ang pagdating ni Propesor Alfonso.

"Haaay! Spanish na naman..." mabigat na bulong ni Stefano.

Wala ba talaga siyang kahilig hilig sa pag-aaral? Kaya wala ng ibang ginawa kundi ang makipag-basag-ulo?

Bigla kong naalala ang reaksyong nakita niya sa mukha nito kaninang umaga. Alam niyang totoong nabigla si Stefano sa nakita, hindi maitatanggi ng mukha nito ang pagkagulat.

Pero ng tingnan ko ang cellphone, tanging ang picture lang naman ng El Retiro Park ang nasa screen. Ganun ba nakakabigla ang park na 'yon?

"Quién puede traducir esto?" – Propersor Alfonso.

"Good morning, how's your day" bulungan ng mga estudyante habang binabasa ang nakasulat sa pisara.

Muntik pang maihagis ang cellphone ko dahil lang doon, at kung nangyari nga, siguradong 'di ko na mapakikinabangan 'to ngayon.

"Si Alita" tawag ni Propesor.

"Buenos dias como esta tu dia" hindi maiwasang mapahanga ng mga kaklase kay Alita. Simula pa lang ay ito na ang Emperor sa klase, wala ng ibang nakatalo pa rito dahil sa galing nito sa academics at sport.

Kung siguro nasa Madrid pa ako at hindi pa nagbabago ang takbo ng buhay ko'y wala akong paki alam kahit na masira pa ang phone ko. Pero sa kalagayan ko ngayon...

Hindi talaga nag-iisip 'tong lalaking 'to. Asik ng isip ko, sumasakit yata ang ulo ko dahil sa lalaking 'to.

"Estás prestando atención, Anastacia?"

Natigilan ako ng marinig ko ang aking pangalan. Nakatingin sa akin ngayon si Propesor Alfonso, pati ang mga kaklase ko.

Wala sa sariling tumayo ako.

"Anastacia, ¿tienes problemas?" tanong ni Propesor.

"Na-none, Sir" sagot ko.

"Esta no es una clase de Ingles, ¿qué estás diciendo?"

Bahagyang nagtawanan ang mga kaklase ko.

Napakagat ako sa labi ng mapagtanto ang sinabi ni Propesor. Bakit ko ba naman naisipang sumagot sa English eh nasa Spanish class kami.

"Lo siento señor, no tengo ningún problema, creo que no me siento bien. Pero les aseguro que presto atención en clase" sabi ko.

"Whoooa!" sabay sabay kong narinig sa mga kaklase ko. Kitang kita sa mga mukha nila ang pagkabigla.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa reaksyon ng mga kaklase ko, napatingin ako kay Alita. Walang reaksyon ang mukha nitong nakatingin sa 'kin.

"Ve a la clínica de inmediato"

"Sí señor..." iniwas ko ang tingin kay Alita, paupo na ako ng biglang may mapansin si Propesor Alfonso.

"Anastacia, ¿dónde está tu placa?" tanong ni Propsesor.

Ang tinutukoy niya ba ay ang badge na binigay sa 'kin ng admin?

"Bakit nga hindi niya sinusuot ang badge niya?"

"Kaya nga, hindi na nga naka proper uniform wala pang badge"

"Silencio! usa tu placa antes de tomar asiento"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa tingin ng mga kaklase ko. Pakiramdam ko lahat sila ay nakaabang sa susunod kong kilos.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang badge

Iisa ang reaksyong nakita ko sa mukha ng mga kaklase ko, gulat! Lahat sila nagulat ng isuot ko ang Carthaginian Badge.




SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon