CAPÍTULO cuatro

16 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V
Matapos mag-dismiss ni Señor Alfonso ay agad akong lumabas ng classroom. Pakiramdam ko kasi sa buong period ay nakamasid sila sa akin, ang weird, pero buti na lang wala naman ng humarang sa akin palabas. Wews.

Pumasok ako sa cafeteria, napansin ko ang isang babaeng nakikipagtalo sa kahera.

"Bakit naman may bayad 'to?" rinig kong sabi nung babae, estudyante rin, naka-uniform tulad ng iba.

"Aba, sa inyo'y hindi lahat eh libre, iyan na nga lang ang babayaran niyo eh mambabarat pa kayo" malakas ang boses ng kahera, pinagtitinginan tuloy sila ng ibang estudyante.

"¿Cuanto es eso?" lumapit ako sa kahera ng 'di na ko makatiis, nakayuko yung estudyante malamang ay nahihiya dahil sa eskandalong nangyari.

"150" sagot ng babaeng nasa kahera.

Kukuha na ako ng pera sa bag ko pero napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng maalala kong wala pala akong cash.
Ano ka ba naman Anastacia, ang lakas ng loob mo wala ka naman pa lang pera.

Tumingin ako sa babaeng nasa kahera at parang nabasa niya na ang iniisip ko.

"Ano señorita, babayaran mo ba?" singhal ng babae.

Napatiim ako ng bagang habang nakatingin sa babae. Tama ba namang ipahiya niya ang estudyanteng ito dahil lang sa simpleng inumin na nagkakahalaga ng 150? at tama ba namang maging rude siya sa customers niya? Nang bigla kong maalala ang card na binigay ni Nana sa akin kahapon. Kinuha ko iyon sa bag ko, credit card pala. Thanks God!

"Okay na, susunod" pagtataray ng babae saka ibinalik sa 'kin ang card matapos i-swipe.

"Uy, salamat Anastacia ha" nakaupo na kami ngayon sa labas ng cafeteria, kasama ko yung estudyante kanina. Kasama ko pala siya sa klase, pero hindi ko siya matandaan.

"Hmm, wala 'yon" tanging sagot ko.

"Alam mo dapat hindi mo ginawa 'yon eh, namimihasa yang nasa cafeteria" natigilan ako sa narinig mula sa estudyante.

"Wala naman kasi talagang bayad 'yong pagkain sa cafeteria nagkataon lang na Indio ako kaya pinagbabayad niya ako" inis na sabi pa nito. Napatingin siya sa akin, halata sigurong wala akong kaalam alam sa sinasabi niya.

"Hmm, teka nga, 'wag mong sabihin sa 'kin na hindi mo alam 'yon?" pagtataka niya.

Bahagya akong umiling at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

"Seryoso?!" untag niya, tumango lang ako.

"Grabe naman, hindi ka man lang in-orient ng admin bago ka papasukin?!"

Naalala ko tuloy yung admin na nagbigay sa akin ng information sheet at badge kanina, siguro ito yung mga sinasabi niya na hindi ko na inintindi pa.

"Siya sige, ganito 'yon" tumingin siya sa akin at naghanda na parang isang story teller.

"Ang Escuela de Ademar ay isa sa mga prestihiyosong Spanish school sa Pilipinas, for sure alam mo na yan" sandali siyang tumigil at naghintay ng pagsang-ayon ko, pero nabigo ulit siya, dahil bukod sa pangalan ng school na 'to ay wala na akong ibang alam tungkol dito.

"Ewan ko ba sayo, saang planeta ka ba nanggaling at wala kang kamuwang muwang" napapakamot sa ulong sabi niya.

"Para talaga 'to sa upper-class men namely Peninsulares at Insulares, mga estudyanteng nanggaling sa mayamang pamilya, pero hindi ako mayaman ha. Ikaw kasi for sure Peninsulares ka" tinitigan niya ako, yung tinging tulad ng ginawa nina Ximena.

"Ang ginawa kasi ng management ng school, para sa pulitika eh nag bukas sila para sa mga less privelaged na gaya ko kaya andito ako ngayon, masabing may community keme sila.

Ngayon ay unti unti ko ng naiintindihan ang sistema ng eskwelahan.

"Ibig sabihin importante sa school ang social status?" wild guess ko.

"Tumpak ganern! Upper class, Middle class, at kami na Lower class, big deal ang social status kaya nagtataka nga ako dahil tinulungan mo ako kanina"

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Kapag kasi upper-class ang kilala lang nila ay either upper class or middle class, sabihin na lang natin na hindi kami nag-eexist para sa kanila"

"O hindi naman kaya" tumingin siya sa isang dako "tulad niyan" sinundan ko ang tingin niya.

Pinagkakaisahan ng tatlong lalaki ang kaawa awang isang lalaki, kulang na lang ay paluhurin ng mga ito ang lalaki sa harapan nila. Ang ibang estudyante ay nanunuod, tumatawa, at ang iba nama'y nakikiraan lang.

"Kitams" agad kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Buti ikaw..." natigil ako ng mapagtanto ko ang sasabihin pero mukhang alam na ng kausap ko ang gusto kong sabihin.

"Kasamaang palad hindi nila ako ma-bully, excuse me sa kanila no mga standard bearer, iw!" sabay ang maarteng pag-irap pagtingin sa daliri.

Standard bearer? Parang nabasa niya ang isip ko.

"Hays, ano hindi mo na naman alam 'yon, alam mo kaunti na lang papalitan ko na yung admin doon eh" nakangiting biro nito.

"Ranking yun sa classroom, first sa ranking ang Emperor then Tribune, Decurion, Centurion at ang bottom ay Standard Bearer" kasunod nito ang pagtaas baba ng kilay niya.

"At ako" turo niya sa sarili "Siz, Decurion 'to, yung mga 'yon mga Standard Bearer lang sila kaya don't me" dagdag pa nito.

Napapangiti si Anastacia sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang nakakaaliw na pagsasalita ng kausap, teka nga. Hindi pa nga pala niya kilala kung sino ito.

"Ako nga pala si Marikit, Siz" nakangiti ito at kinuha ang palad ko.

"Grabe ngayon lang ako nakahawak ng kamay ng isang Peninsulares, Siz ang lambot ng kamay mo"

Pinisil pisil pa nito ang palad ko, pero agad kong binawi iyon na ipinagtaka niya.

"Hay ito naman, don't worry pag nagtagal ka rito mas marami ka pang malalaman" paniniguro ni Marikit.

Bukod sa importansya ng social status at ranking sa eskwelahang ito, ano pa ba ang dapat kong malaman?

"Grabe no, iba talaga kapag malakas ang kapit sa taas papasok lang kung kailan gusto."

"Isang linggo na yatang 'di nagpapakita 'yon eh, isang linggo na ring walang basag ulo rito!"

"Wag na nga sanang pumasok 'yon"

Napatingin ako sa mga lalaking dumaan sa gilid namin dahil sa pagtataka kung sinong pinag-uusapan nila.

"Nako, si Stefano yung pinag-uusapan ng mga 'yon" nakita ko ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Marikit.

Biglang bumangon ang kaba sa dibdib ko, nakapagtataka sino ba si Stefano? Tanong ko sa isip ko.

"Yun yung lalaking hindi mo gugustuhing makilala" dugtong ni Marikit na parang nabasa na ang laman ng isip ko.








SALAMAT!

MAG-COMMENT KA PAG NA-BORED KA. MAG-VOTE KA KUNG NAPANGITI KITA. MAG-CONTINUE READING KA KUNG NAG-E-ENJOY KA.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon