CAPÍTULO catorce

5 0 0
                                    

Anastacia's P.O.V

"Magandang umaga, hija" nakangiting bati ni Nana ng abutan ko silang nag-aagahan sa dinning area.

"Kumain ka na, hija" rinig kong sabi ng asawa ni Nana.

"Buenos –" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magtama ang mga mata namin ni Marco.

"Magandang umaga" sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit sabay sabay silang napatingin sa 'kin pagkatapos ng sinabi ko, weird ba 'yon?

Nakita kong nagtinginan si Nana at ang asawa niya, bago lumapit sa 'kin si Nana na malapad ang pagkakangiti.

"Upo hija, ano bang gusto mong kainin?"

"Fried rice, tapa and sunny side up egg" sabi ko habang isa isang kinuha ang mga pagkaing 'yon at inilagay sa plato ko.

Hindi na nakakilos si Nana na nakatayo sa kanan ko, samantalang kitang-kita ang pagtataka sa mukha ni Marco.

"Sinangag at pritong itlog, ginagandahan mo pa tawag eh" si Marco. Sinundan ito ng marahang tawa mula sa mga kasama kong kumakain.

"Siya kumain na tayo, baka mahuli pa kayo..." sabi ni Nana. Naramdaman ko ang marahang haplos ni Nana sa likod ko bago siya umupo sa tabi ko.

Matapos ang agahan ay sabay na kaming dumeretso sa sasakyan ni Marco, sa unahan pa rin siya umupo at mag-isa ako sa back seat.

Nasa loob na kami ng sasakyan ng lingunin ako ni Marco na hindi niya naman kadalasang ginagawa. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang sabihin sa 'kin.

Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin kagabi. Sa palagay ko naiintindihan ko na ang nararamdaman niya, at kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa 'kin nung mga nakaraang linggo.

Tinanguan ako ni Marco saka ngumiti bago ibinaling sa harap ang atensyon.

Sa palagay ko, unti unti ko ng nakikita ang tunay na Marco. Unti unti niya na akong pinapapasok sa mundong mayroon siya, sila ng pamilya niya. O baka, ngayon ko mas nakikilala ang sarili ko, na kaya ko pa lang ibaba ang pader na masyadong mataas para sa kanila.

Stefano's P.O.V

"Par!" sigaw ni Aldous na ngayon ay papalapit na sa 'kin.

Nakipag-apir ito bago naki tsismis. "Kumusta, anong nangyari sa 'yo kagabi?" sa tagal ko ng kaibigan si Aldous ay kilalang kilala niya ako at ang pamilya ko.

"Concern ka ba sa 'kin o nakikitsismis ka lang" pagbibiro ko.

Napakamot sa uli si Aldous bago nagsalita. "Par, syempre magkasama na 'yon" saka tumawa.

"Loko, ano pa bang aasahan mo eh nasa poder ako ng mga anghel" sarkastikong sagot ko sa kanya.

Alam ni Aldous ang ibig kong sabihin, bukod kay Abuelo ito na yata ang nakakakilala sa ligaw ng bituka ko.

"Eh 'yung isa mong anghel dela guardia?" aniya.

Napailing ako ng maalala ang sinabi ni Mamá.

"Sigurado akong hindi na ulit mangyayari 'to, pag nandito na si Manolo" makahulugang ngumiti sa 'kin si Mamá.

"Ewan..." 'di ko alam ang isasagot kay Aldous, nawalan na ko ng gana sa usapang 'to, napansin siguro ni Aldous kaya nag-aya na papasok.

"Lika na Par, pasok na tayo"

"Mauna ka na" makahulugang tumingin ang mokong sa 'kin matapos kong sabihin 'yon.

"Oh bakit?" depensa ko.

UNENTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon