Chapter 13

2.8K 71 2
                                    

Stay with me

"Look at these designs, Kaitlyn! It's very beautiful! Iba talaga pag mayayaman ang ikakasal noh?" Namamangha si Zenaida habang tinitignan ang mga designs ng wedding gowns na nasa magazine.

Hindi ako umimik. Ginawa ko siyang personal assistant for the mean time. Hindi pa kasi siya naka graduate kaya hindi pa pwedeng ipasok sa kompanya. Malaki naman ang sahod niya sa pagiging P.A. ko. At hindi ko naman siya inaabala kapag may school or may importante siyang gagawin.

Dumating na si Aiden kahapon. Hindi pa kami nagkita dahil dumiretso siya sa probinsiya nila kung saan nakatira ang mom and dad niya. Nag video chat lang kami.

Sobrang miss ko na siya.

Hindi pa niya nahanap ang totoong salarin sa pagnanakaw, dalawa lang ang suspect nila, si Ate Aliyah at si Javier. Wala kasi silang sapat na ebidensiyang nasa kamay. Sobrang polido ang ginawang pagnanakaw at walang iniwang ebidensiya kahit isa.

Aiden talked to me and he told me his conclusions. We have the same conclusions. Turns out, he also investigated about John and Ate Aliyah. Nalaman niyang pumunta si John sa kanilang kompanya noong araw na iyon. They tried to watch the surveillance pero nasa hallway si John noong pumasok ang magnanakaw sa safe room. I guess, they used another person to go inside and steal the money. Sabi niya, hindi daw niya gustong akusahan si John ngunit sobrang nakakapagtaka daw ang pagpunta nito sa kompanya nila, wala naman daw siyang kailangan puntahan doon.

Sinabihan din ako ni Aiden na he will continue to investigate.

"Magpapadesign ka ba ng gown, Kailtyn? Or mamimili ka lamang dito?" Tanong ni Zenaida sa akin.

Speaking of Zenaida, luckily, her mother's operation was successful. She was very happy, nasa labas pa lamang kami ng operation room at inannounce ng doctor na successful ang operation ay tumalon talon siya sa saya at niyakap ako.

Binilhan ko din sila ng good for one month na grocery. Sinabihan ko siya na ako na ang bahala sa supplies nila every month im exchange sa pagtratrabaho niya bilang P.A. sa akin. Siniswelduhan ko din siya every week. Para sa akin, maliit na bagay lamang iyan. I have lots of money.

"Magpapadesign ako ng bago, Zenaida," Sabi ko at tinignan ang designs na nasa magazine. They all look good, pero iba ang gown na gusto ko. Iba ang nasa isip ko. I want it to be modern with a touch of archaic.

"Iba ka talaga, Kaitlyn! Sobrang ganda siguro ng gown mo! Oh my! Invited ba ako?"

Madaldal si Zenaida pero sanay na ako. Lagi ko na kasi siyang kasama. Kahit sa school ay sunod siya ng sunod sa akin at inaasikaso ako, sinabihan ko siyang hindi niya kailangang gawin iyon pero nag insist siya, sabi niya trabaho niya daw iyon bilang P.A. ko.

"Of course. Dalhin mo din ang pamilya mo, you're all invited."

"Yes!" Masayang masaya siya sa sinabi ko.

Hindi ko alam, pero sobrang gaan ng loob ko kay Zenaida. Para kasi siyang ball of sunshine, laging nakangiti, at sobrang masayahin. Masarap din siyang kasama. I would always pretend that I am not listening to her stories pero ang totoo ay nakikinig ako at nag eenjoy.

Tuwing nag vivideo call din kami ni Aiden at kasama ko siya ay binibigyan niya ako ng nakangiting aso at lalayo na para bigyan kami ng privacy ni Aiden.

Nag meet na rin kami ng mama ni Zenaida at nagpasalamat siya sa akin sa lahat ng tulong. Nakita ko rin ang mga kapatid niya. They are all kind. Parehas silang lahat, sobrang masayahin at maalaga. I once visited their home, it's small but atleast they're happy.

Unlike me, sobrang malaki ang bahay pero walang kasiyahang nandoon. My parents are always away. Kasambahay at security guards lang ang palaging nandoon. A home without love.

"Kakain muna tayo bago umuwi, Zenaida."

"Ano ka ba, Kaitlyn! Okay lang! Busog pa ako! At diba sabi ko sayo, Zen nalang? Alam mo namang ayaw kitang pahirapan, sobrang taas kaya ng pangalan ko," Natatawa niyang sabi at tumayo na.

"Kat nalang din para sakin," Maikling tugon ko bago ibinigay sa kanya ang magazine na nasa kamay ko.

"Sige..."

I never had a friend before, with Zenaida, I found a friend and a P.A. in one. I hope this would last.

Nasa office ako ngayon. 3 weeks nalang, kasal na namin ni Aiden. I felt nervous kahit na malayo pa. Nagpasukat na ang mga bridesmaid at mga groomsmen. Invited ang lahat kaya naman busy sila ni mommy sa paghahanda.

Malaking malaki ang event na ito kaya naman icocover ito ng media. Live din ito sa national television kaya naman sobrang bongga talaga ng event na ito.

The Grandest Wedding of All Time, ika nga.

Gusto ko sanang gawing Maid of Honor si Zenaida but Mom told me na it's better if si ate Aliyah ang gagawin kong Maid of Honor. I didn't argue with her, hindi nila alam ang issue tungkol kay Ate Aliyah since they are out of the country for the past two months. Ngayon lang sila umuwi dahil malapit na ang wedding and they need to be there for the preparations.

Kasabay ng birthday ko ang wedding namin. It will be my best birthday gift in my whole entire life.

Tumunog ang intercom ko. Sinagot ko ito.

"Ma'am, sir Aiden is here, papapasukin ko ba?"

For goodness' sake! Is that a question? Oo naman! Bakit hindi?

"Of course! Tinatanong pa ba iyan, Alyana?"

"Sorry po."

I turned off the intercom when Aiden walked in.

"Don't be too harsh on your secretary, ako ang mag insist na sabihan ka. I don't want to barge into your room with your permission, darling," Sabi niya habang nakapamulsa.

Nakasuot siya ng maong at isang white t-shirt. Sobrang gwapo niya talaga.

I ran towards him and hugged him. "I missed you!"

He chuckled. "I miss you too, darling. I'm sorry for being away for too long, I promise, from now on, I will stay by your side no matter what."

"It's okay, Aiden. I understand. "

Ilang sandali pa kaming nagyakapan bago ako kumalas.

"I bought you something." Sabi niya. "I wasn't given the chance to ask you this."

May kinuha siyang maliit na box na color blue mula sa kanyang bag. Sobrang gandang tignan non. Lumuhod siya sa harapan ko, my heart skipped a beat.

"This time, it's real, Kaitlyn. Will you marry me?"

My world stopped. Ipinakita niya sa akin ang isang gold na ring, may pendant itong diamond. It's really beautiful. Sobrang gandang tignan.

Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko inexpect na gagawin niya ito. Things are really more precious when it is unexpected.

Lumuhod din ako at nagtama ang paningin namin. "Yes, Aiden. Yes."

Malaki ang ngiti niya habang inilalagay ang singsing sa kamay ko. "I will marry the most beautiful girl I've ever seen," Sabi pa niya at hinalikan ako sa noo.

Nagkatinginan kami. Ibinaba ko ang tingin ko sa labi niya. His eyes were expressive, it shows too much love and respect.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na halik sa labi. Ngumisi siya sa ginawa ko.

"Thank you, Aiden. I love you."

"I will do anything for you, darling. I love you so much," Aniya at niyakap ako. "Just stay with me, darling. Stay with me."

I will, Aiden. I will.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now