Chapter 21

3K 85 2
                                    

Sorry

"Anak, you're here!"

Sinalubong ako ni Mom at niyakap. Lately, she's been acting really strange. Clingy na siya at sobrang touchy. She's not like that.

Tinaasan ko ng kilay si Dad na nagkibit-balikat lamang at nag-iwas ng tingin.

"Good evening, Mom, Dad," Pormal na bati ko sa kanila. Inalalayan akong umupo ni Mom sa upuan ko. Oh my. I want my old Mom back, hindi ko na kaya ang pagiging sweet ng Mom ko ngayon, I'm not used to it.

"So, how's the company?" Tanong ni Dad habang hinihiwa niya ang steak.

Kumuha na rin ako ng pagkain at unti-unti sumubo. Pangiti-ngiti pa si Mom sa akin habang sumusupa ng pagkain. Ang weird ng mommy ko.

"It's doing fine, Dad. Tumaas ang sales at ang stocks, no need to worry about it. Everything's under control."

Mula ng ako ang namuno ulit sa company ay bumalik ito sa dating estado. Kami na naman ang nangunguna sa lahat ng mga real estates sa bansa. We're on top. And we will stay on top.

"That's good to hear," Tumango-tango pa si mom na parang sumang-ayon sa sinabi ni dad. "But you still need someone to help you with the company, you know, a husband..."

Bahagyang tumawa si mom sa sinabi ni dad. "Yes. Nag presinta naman si Aiden diba? He will be a good husband for our daughter! And I'm sure, Kaitlyn will not run away this time!"

"Wait. Hang on. Mom, Dad, I will not marry Aiden," Paglilinaw ko sa kanila. Natigilan sila at nawala ang ngiti sa mga labi.

"Why? Akala ko ba mahal mo siya?" Nakakunot ang noo ni mom.

"Noon iyon, mom, iba na ngayon," One mistake is enough.. "All my life, hindi ko kayo sinuway, mom, please, kahit ito lamang ang hihilingin ko, pwede bang ako ang mamili sa pakakasalan ko? I don't want to marry Aiden, ang that's final," Umiling iling pa ako bago umalis sa hapag. "Excuse me."

Once is enough. I won't fall again. I swear. I mean, the thought of marrying him again brought chills to my spine. Ayaw kong magkamali mula sa buhay. One downfall is enough, it already taught me a lot of lessons, Lord, please, don't make it so hard on me.

"Ano ka ba! Pagbigyan mo na mama mo! Ngayon nga lang siya makipag lunch sayo, aayawan mo pa?" Nakahalukipkip si Zenaida sa harap ko na parang nagsesermon. Oh, sinesermonan na niya ang boss niya ah?

"We're not in good terms," Dinapuan ko siya ng tingin at umirap. Nakasuot siya ng cream-coloured slacks at isang red na long sleeve. Kasama ko siya palagi kaya nag iba ang fashion sense niya, it became better. I taught her how to dress up properly.

"Sus! Mama mo iyon! Dapat ay mag sorry ka!" Madaldal talaga siya, sometimes, I got pissed by her, like now.

"Kayo nalang kaya mag lunch?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. She smiled slyly, nahihiya.

"Hehehe. Sorry," Nag peace sign muna siya bago dahan-dahang umupo sa swivel chair na nasa harapan ko.

"I just want to help, Kat."

"Well, you're not helping at all, Zen," That's rude but that's the truth.

"I thought that I can help," Sabi niya sa maliit na boses. Hinilot ko ang sentido ko. Now, I've hurt her feelings.

"Look, I'm sorry alright? Huwag mo ng aalahanin iyon, Zen, ako na bahala kay Mommy," Sabi ko upang gumaan ang loob niya. Gustong gusto kasi ni Zenaida na magclose na kami ni mom, naaawa daw siya sa akin na wala akong masasandalan kapag may problema ako aside from her.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now