Chapter 28

2.8K 71 0
                                    

Soft

Pumasok ako sa kwarto ni Mom nang tahimik. She's sleeping peacefully on the hospital bed. Nilapitan ko siya at bakas sa mukha niya ang wrinkles na gumuguhit sa kanyang mukha. She's getting old but she's still pretty.

Hinawakan ko ang kamay niya. Sabi ng doctor niya ay stable na daw ang kondisyon niya. She's just stressed and angry kay Dad kaya naman na trigger ang heart niya.

A tear slipped into my eyes as I watch my mom. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami nagkakilala ni Aiden. Kung hindi dahil sa kagustuhan niya mapakasal ako ay hindi sana ako makakahanap ng lalaking mamahalin.

Aiden wanted to stay with me dito sa hospital pero sinabihan ko siyang umuwi since bukas na ang party niya at kailangan niyang maghanda.

Mapupungay ang mga mata ko dala na siguro sa pagod at pag-iyak. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Mom. Unti-unting siyang dumilat.

"Mom! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko. I wanted to push the button beside the bed to call the doctor pero pinigilan niya ako.

"I'm fine, anak. You're here!" Masiglang sabi niya. Nahihirapan pa siya sa pagsasalita.

"Mom. You need to go with Dad, kailangan mong magpagaling, Mommy."

She smiled at me and held my hand tightly, "You are my cure, anak."

Bumuhos ang luha ko, hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Sobra na ang pag-iyak ko ngayong araw. Akala ko, ubos na ang luha ko, hindi pa pala.

"Mommy, 'wag na matigas ang ulo please, listen to us. Please," Pagmamakaawa ko.

She chuckled at me. "Hindi ako sanay na makita kang ganyan, anak. You are not a crybaby."

"Mommy! Don't make fun of the situation! Please, don't be so stubborn!" Hindi ko maiwasang mag-alala. Mom won't listen to me.

"Sasama ako sa Daddy mo, sa U.S. but in one condition," She speaks softly. "Bibisitahin mo ako doon palagi."

May namumuong luha sa kanyang mga mata. Tumagilid ako upang mahalikan ang pisngi niya. Ito ang unang pagkakataong makahalik ako sa mommy ko. And it feels very good.

"I will, Mom. I will," I smiled at her.

Kinabukasan, tinanghali ako nang gising, dala siguro ng sobrang pagod at sakit ng ulo. Nagtelebabad din kami ni Zenaida bago matulog. Ikwinento ko sa kanya ang lahat nang nangyari sa araw na ito. She would just listen at my rants, and we bid goobyes.

My eyes are a little bit puffy dahil sa pag-iyak ko kagabi. I was relieved na sasama si Mommy kay Dad pero may parte sa aking nanghihinayang dahil malalayo na naman sila sa akin. I would miss them, kahit minsan lang kami nagkikita. They're my parents afterall.

Kumain muna ako bago naligo. The party will start at 7 o'clock kaya kailangan kong pumunta doon ng mas maaga. 6:45, I guess. Kasama ko din si Zenaida kaya kailangan kong maging maaga. She will come here later since sabay kaming magmemake-up at pupunta sa party.

It's already 2 pm, tapos na akong sa rituals ko at hinihintay ko na lang si Zenaida. I would continuously look at myself in the mirror dahil nacoconcious ako sa sarili ko. Luckily, the puffiness of my eyes are not visible.

Tinext ko si Aiden.

Me:

Happy Birthday! Enjoy your day! I love you!

Ilang minuto ang lumipas, wala akong natanggap na reply mula sa kanya. I started to feel uneasy.

"Kaitlyn! Sorry, late ako! May konting problema lang sa bahay!" Rinig ko ang boses ni Zenaida na nagmamadali. May dala-dala siyang paperbag.

Runaway Bride//COMPLETEDWhere stories live. Discover now