Wedding
November 16. Araw ng kasal. My birthday. How unfortunate! Sa birthday ko pa talaga.
The stylist curiously looked at me while she's curling my hair.
"You looked very stressed. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.
Everyone is expected to come. Even the medias will cover the event, and surely, news about me running away from my own wedding will spread immediately.
Pwede naman sana akong umalis before ang kasal, pero ang nasa kasunduan namin ni John ay sa kasal mismo ako tatakbo palayo. I don't know why, maybe, for more dramas? And besides, kung tatakasan ko ang kasal ko earlier, Aiden might chase me and continue the wedding.
Gusto siguro nilang more controversial ang pag-alis ko para siguradong hindi na ako babalikan ni Aiden. Because all of the people will know what I did, and Aiden can't do anything but to give up on me, which I hope he wouldn't.
More controversy, more drama, more successful. John's Dad is really selfish.
Pwede bang ihinto nalang ang oras? Pwede bang huwag na lamang itong mangyari? Kasi, nasasaktan na ako eh. I doesn't deserve to be hurt like this.
"Okay ka lang be? Kanina pa lumuluha ng mga mata mo, kulang nalang tumulo na. Nahihirapan akong maglagay ng eyeshadow dahil basa ang mga mata mo," Inis na sambit ng baklang make-up artist ko.
Hindi ko namalayang naluluha na ang mga mata ko sa kakaisip. I'm afraid. I'm afraid of Aiden's reaction. I'm not afraid of the people's judgements, sa kay Aiden lang ako natatakot. I'm afraid to see him hurt while I turn away to leave him at the altar.
Tinignan ako ng masinsinan ni ate Aliyah, nasa tabi ko lang siya at inaayusan din ng kanyang stylist at make-up artist. I blinked my eyes a few times to get rid of the tears before smiling at her. Hindi siya umimik at bumaling na sa sariling repleksyon sa salamin.
"Baka tears of joy iyan, Pers, pabayaan mo na," Sabi ng stylist ko sa make-up artist ko. Nakita kong umirap si Persi pagkatapos ay nag concentrate na sa make-up ko.
I don't want my make-up to be too heavy, kaya sinabihan ko si Persi na as much as possible, don't put too much foundation on my face which he obeyed. Sobrang light lang ng make-up ko.
"You will do good, anak," Nasa likod na pala si Mom, tinitignan ako ng hindi ko namamalayan. "Aliyah, you take care of my daughter ha? May pupuntahan lang ako sandali."
Ngumiti si ate Aliyah kay Mom. "Sure, tita."
Sinipat ako ng tingin ni Mom bago siya umalis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, kina Aiden siguro.
Hindi kami nagkita ni Aiden kahapon, iyan kasi ang sinabi nila, bawal daw magkita ang ikakasal a night before ang kasal. Actually, kahit na gawin namin iyon ay hindi pa din naman matutuloy ang kasal.
Maganda ang gown na dinesign ko. It is an off-shoulder longsleeved gown. The upper part hugs my body perfectly while the lower part is a wide full skirt like Cinderella. Para akong nasa fairytale. It's my dream gown.
Linagyan ako ng veil ng stylist ko, it's beautiful. Everything is beautiful. Pati si ate Aliyah ay sobrang ganda. The brides maids and the groomsmen are wearing a combination of blue and white since it is my favorite color.
I smiled at ate Aliyah. Sobrang ganda niyang tignan sa blue at white niyang mermaid gown. It hugs her body perfectly.
Pinili kong ball gown ang design ng gown ko, while mermaid gown naman ang design sa mga bridesmaid at sa maid of honor. She smiled back at me, iyon nga lang, parang pilit ito. But atleast, she still smiled.
YOU ARE READING
Runaway Bride//COMPLETED
Romance"Running away from you was my only choice, Aiden." "And chasing you will be my only option, Kaitlyn."