●5● REASONS

1.4K 67 5
                                    


Abby's POV









Naisip ko munang bisitahin si Coco sa bahay nila kase nasabi nya kase kagabi na mag aaral na sya dun sa Freedom University which is dun din kami nag aaral nina Gabb.








Pagkarating ko ng bahay nila ay nagulat ako kase naging sosyal na ng kaunti itong bahay. Umaasenso na talaga pamilya ni insan ah.







Pinapasok naman ako ng mga kasambahay ni Coco kaya tinanong ko kung saan yung kwarto ni Coco. At sinabi naman nila ito. Kaya naisip kong puntahan ito. Wala kase sya dito at ang sabi ng mga kasambahay ay may lakad daw ito kasama ng dad nya.
buti naman di pinababayaan ni tito yung anak nya dahil may trabaho na sya.







Pagkapasok ko ng kwarto ay humiga muna ako ng saglit sa kama ni Coco at magmumuni muni muna ng biglang may nagbukas na ng pinto which is si coco na yun.





Coleen's POV


"Ate Abby?" sambit ko sa kanya kaya nagkatinginan kaming dalawa.






"uy coco ang ganda mo na ah? pero baby ka pa rin." sabi naman ni Ate Abby na nakaupo na ngayon sa kama.






"so ate napabisita ka ata ah?" sobra naman kase yung ngiti ko pagkauwi ng dahil sa unicorn na dala dala ko na ibinigay ng gwapong babae na yun.





"mukhang masaya yung baby coco sa lakad nya ng daddy nya ah" sabi naman ni ate Abby na nakangiti na rin sakin ngayon.



Kaya sumimangot naman yung mukha ko ulet.


"Busy na naman si dad Ate ng dahil sa trabaho nya ngayon sa kompanya kaya need nyang pumunta kaagad kaya sandali lang ay umalis na sya." Sabi ko at ngumiti nalang. "At okay lang yun ate para naman samin yun eh."




"Eh bat ka naman nakangiti ng sobra tas ano yang nasa loob ng bag mo?" tanong ni Ate Abby sakin kaya sinagot ko sya at kinwento lahat ng nangyari dun sa mall kanina.





Pinakita ko sa kanya yung unicorn na ibinigay ng gwapong babae kanina at nagandahan naman sya dito.





"wow ang mahal nito coleen ah mukhang manliligaw ata yun sayo ah" sabi ni ate abby na dahilan na mamula yung pisngi ko.





"Di naman sa ganun ate abby di nya nga ako kilala kaya laking gulat ko ng ibigay nya yan sakin. Mukhang babaero din kase yun ate at parang koreano kung pumorma." Sabi ko kay Ate Abby habang yinayakap ang Unicorn na binigay sakin.





"Sana naman naitanong mo kung anong pangalan nun para ma search natin sa fb ganun di ba?para naman maging close friend kayo." Sabi ni ate Abby na ngayon ay tawang tawa sakin.





"Eh yun na nga ate eh tinanong ko na kung ano yung pangalan nya kaso may biglang tumawag sa kanya sa telepono kaya di nya na natapos yung salita nya. At pagkatapos naman nung tawag na yun ay nagmamadali na syang umalis kaya pangalan ko nalang yung nakuha nya." Sabi ko kaya bigla namang tumawa ng malakas itong pinsan ko.







"Ano ba yan coco ang baby mo pa rin pala. Akala ko dalaga na hahaa" sabi naman ni ate Abby na halatang mamamatay na sa kakatawa.






"Eh ate naman kase nakalimutan ko" sabay kamot ko sa ulo at ngumiti.






"oh sya pumunta ako dito kase pag uusapan natin yung paaralan na papasukin mo" sabi naman ni Ate Abby sakin na ngayon ay seryoso na.

When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon