●28● OVERNIGHT?

1.1K 58 1
                                    

Cole's



Tinawag ko si coleen dito sa labas ng bintana at papalabas na sya para puntahan ako.



"Oh cole?napabisita ka?may problema ba?
tanong agad ni coleen sakin habang pa simple na lumilingon sya kay Gabb.


"ano kase coleen yayayain sana kita para mag overnight dun sa bahay na tinitirhan namin ng mga ate pwede ka ba?" tanong ko kay coleen at di nya pa rin maalis yung tingin nya kay Gabb na natutulog pa rin.


ano ba coleen?ako yung nandito oh bigyan mo naman ako ng kaunting time mo.



agad ko naman hinawakan ang kamay nya at pinatingin sya sakin.

"cole baka makita tayo ni Gabb" sabi ni coleen sakin pero patuloy pa rin ako sa paghawak sa mga kamay nya.

"wala naman tayong ginagawang masama coleen. inaaya lang kita kung pwede ka bang mag overnight dun sa bahay." sabi ko kaya napakamot sya sa ulo nya.

ayaw nya ba? kailangan kong mag isip para mapapayag sya.

"at syempre nandun si Gabb sa bahay at mag-isa lang sya sa kwarto kaya pwede ka dun. pero kung ayaw mo pwede ka rin dun samin ni Daryll." Mukhang kumbinsido naman sya kaya pwede na to.

Gabb's

Nagising ako ng wala na dito sa tabi ko si coco. naghanap naman ako dito sa classroom pero wala rin.



napatingin ako sa bintana at nakita ko syang kinakausap ni cole kaya pinabayaan ko muna.




di ko kase marinig yung pinag uusapan nila kase nakasarado lahat ng pwedeng labasan ng hangin.




pero pagkalipas ng ilang segundo ay  biglang hinawakan ni cole yung kamay ni Coco kaya napatayo ako at dahan dahan na lumabas ng room.

"ehem pwede ba munang bitawan mo yung kamay ng girlfriend ko? cole?" sabi ko sa likod kay cole kaya napalingon si coco.



agad naman binitawan ni coco yung kamay ni cole na nakahawak sa kanya kaya hinila ko sya papalapit sakin.


"ano kase ate Gabb inaaya ko lang na mag sleep over dun satin si coleen bukas pagkauwi natin sa event di ba bukas na yun?kaya sakto makakabonding natin yang girlfriend mo." sabi ni cole habang ngumingiti.


may point din naman sya kaya napaluwag naman ako ng hininga.

"pumayag kana ba coco?" Tanong ko kay coco pero bakas pa rin yung pagkagulat nya kaya tinapik ko yung noo neto.



"aray gabo naman ang sakit nun ah!" Sabi ni coco habang hinahawakan yung noo nya ngayon.




"Mas sasakit pa yan kung di mo pa sinasagot yung tanong ko." Sabi ko habang tumatawa na.

"oo naman pero sa kwarto mo ako matutulog." Nagulat naman kami ni cole sa sinabi nya kaya di ako makasagot.


"Sabi kase ni cole wala ka daw kasama sa kwarto kaya dun nalang ako para meron ka rin kasama pero kung ayaw mo ay dun nalang ako kay cole at daryll." sabi nya habang hinihintay pa akong magsalita.

si coco?matutulog sa kwarto ko? isa lang kama dun ah. paano na to? magkakahiyaan kami neto for sure.




eh kung tatanggihan ko naman sya ay mapupunta na naman sya dun sa mokong to kaya no way. ako dapat kasama ni coco pagkatapos ng event.



When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon