Coleen'sNandito kami ngayon ni ate Abby sa mall kasama si Sela.
mukhang third wheel ata ako sa dalawang to. bakit pa kase di sumama yung si Gabo sakin eh girlfriend nya ako?
sa bagay di rin kase yun sasama kase iba makatingin sa kanya si ate Abby.lumayo muna ako sa dalawa para naman may time silang maglandian.
"oh coco nakapili kana ba ng susuotin mo para bukas?" Tanong ni ate Sela sakin. Di ba nasa malayo sila kanina?
"wag ka mag-alala nandun lang si ate abby mo oh" sabi nito sabay turo kay ate Abby.
"sya nga pala coco, di ba masama turing sayo ni Gabo dyan sa school? wala ba syang ginagawang mali sayo?" Tanong ni ate sela habang tumitingin ng damit dito.
Bat nya natanong to? di naman ako sinasaktan ni gabo ah. atsaka under kaya yun sakin.
"Wala naman po ate. atsaka ako nga yung gumagawa ng masama sa kanya." Sabi ko sabay tawa.
"hmm interesting." Sabi ni ate Sela.
"yung damit po?" Tanong ko.
"hinde. si Gabo" sabi nya.
"alam mo kase coco simula nung dumating ka dyan sa school. di na sya nananakit ng mga babae."
sabi ni ate sela na nakatingin na sakin ngayon.Babaero ka nga talaga Gabrielle. May pa sabi sabi ka pa na ako lang yung babae mo ah.
"pero iba ka sa kanila coco. ikaw yung nagpabago sa kanya kaya nga palagi ko kayong inoobserbahan." sabi ni ate sela na halatang proud na proud.
"eh bakit naman po ako yun?" Tanong ko sa kanya.
"ewan ko coco pero si Gabo lang ata yung makakasagot sa tanong mo eh. kahit nga yang si ate abby mo ay di makapaniwala sa inaasal ngayon ni Gabb" sabi ni ate Sela na nakatingin na ngayon kay ate Abby.
"ayy ganun po ba? sayang naman di ko malalaman sa inyo haha" sabi ko kay ate sela kaya nagtatawanan na kami ngayon dito.
Nakapili na rin ako ng damit at nakita ko na papalapit na samin si ate Abby kaya agad na namin syang pinuntahan.
"oh nakapili kana ba coco?" Tanong nito sakin.
"opo naman ate heto oh" pinakita ko sa kanila yung napili kong damit.
"wow coco halatang mapapanganga dyan si Gabb hahaha" sabi ni ate sela na natatawa na ngayon.
tinignan naman sya ni ate abby kaya napatigil ito.
"ahm sige na punta na tayo sa cashier para mabayaran na natin yung mga damit." Sabi ni ate sela na naglalakad na ngayon papuntang cashier.
"Ate may problema ka po ba kay Gabb" tanong ko kay ate abby tutal nasa malayo naman si ate sela.
"Wala naman coco." sabi nya sakin habang tinitignan yung mga pinamili nya.
"kung wala bakit kapag binabanggit yung pangalan nya ay parang nagiging maldita ka?" Tanong ko ulit sa kanya dahilan ng pagkatingin nya sakin ngayon.
BINABASA MO ANG
When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1
Tajemnica / ThrillerAkala ni Gabb Skribikin ay di na sya makakaibig pang ulit. pero sa pagdating ni coleen trinidad a.k.a coco mababago nya kaya ito?