●33● KAYCEE'S PLAN

1.1K 55 13
                                    

Kaycee's

My plan was success now I want to make it more interesting.

I want to use her as a bait.

Coleen's

Nandito na kami ngayon sa kwarto ni Gabb at natutulog na sya kaya agad akong kumuha sa labas ng maligamgam na tubig at towel para na rin mapunasan itong si Gabb.

paano ba naman kase di pa umilag kay Gia.

pababa na ako ng parang may narinig akong nagbubulungan kaya lumapit ako ng konti.

"Bat mo kase ginawa yun Gia?nawawala kana ba sa pag-iisip?"

"Eh ikaw naman kase dikit ng dikit ka pa rin sa Gabo na yun. at ano?balak mo pa syang puntahan ngayon sa kwarto nya? no way Ella dito ka lang sa tabi ko at wag na wag kang aalis ng di nagpapaalam sakin."

"Nasasaktan ako Gia bitawan mo ko."

"Don't you dare to unfollow my rules Ella. baka alam mo kung anong kaya kong gawin dyan kay Gabb. kung ayaw mong masaktan ko pa sya,manahimik ka nalang dyan and act like everything is okay"

umalis ako bigla at pumunta ng dahan dahan sa kusina para kunin yung kailangan ko.

di ko akalain na ganun pala kasama yung Gia na yun.

"Oh Coleen? what are you doing here? bat nandito ka?" bigla naman akong lumingon at nakita ko si Gia ng nag-iisa. hinanap ng mga mata ko si Ella pero wala sya.

"wala si Ella,pinapunta ko na sya ng kwarto namin para makapagpahinga." singit naman ni Gia at nakatingin pa rin sakin.

"ahm sige Gia pupunta na ako sa taas at kailangan kong gamutin si Gabb" tumawa naman ng malakas si Gia at nainis ako ng ginawa nya yun.

"So you don't know anything huh?" Sabi naman ni Gia kaya nagtaka ako at umalis na.

ano bang ibig nyang sabihin?bakit parang iba yung iniisip ko ngayon? ang hirap isipin kung ano talagang meron sa kanila.

pumasok na ako ng kwarto at natutulog pa rin si Gabb kaya agad ko na itong tinabihan sa kama at pinunasan ang mga pasa at dugo nya.

nag-iinit na sya ngayon kaya kailangan kong palitan yung damit nya kaya tumayo ako at pumunta ng closet nya.

pagkabukas ko ng closet nya ay nakita ko yung unicorn na kamukhang kamukha ng unicocorn ko sa bahay.
binalewala ko nalang ito at kumuha ng manipis na damit para kay Gabb.

pagkatapos kong kumuha ay agad na akong nagpunta kay Gabb at nakatingin lang ako sa kanya.

agad ko naman inayos yung buhok nya at parang may napansin ako na kakaiba ngayon sa kanya.

biglang gumaling yung pasa nya at nawala na rin yung mga dugo.
agad ko naman hinawakan ang noo nya at mainit pa rin.

pero bakit ang bilis naman gumaling yung sugat nya?
eto ba yung ibig sabihin ni Gia kanina? na di ko alam?

naguguluhan na ako.

naisipan kong hubaran na si Gabb kase sobrang init nya na kaya dahan dahan kong inalis yung buttons pababa ng pababa kaya di ko maiwasan na mapatingin sa mga abs nya.

ang sarap hawakan.

naka sports bra lang sya kaya madali lang sakin na isuot tong t-shirt na kinuha ko para sa kanya.

white na t-shirt to kaya alam kong malamig sa pakiramdam.

ibinangon ko muna si Gabb at isusuot na sana tong damit sa kanya ng bigla nya akong yakapin.

When I look at you (Unicoco Story) SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon