TANGHALI nang magising ako, bigla naman ako napabalikwas ng bangon at inikot ang paningin sa loob ng kwarto, nakahinga ako ng malalim nang alam ko nasa kwarto ko ako. oh, thank god!
Wait paano nga pala akong nakauwe?
Unting unti ko inaalala ang nangyari kagabi pero tanging isang tinig lang ako nagpabalik balik sa isipan ko.
"Its, okay nandito na'ko."
"Its, okay nandito na'ko."
"Its, okay nandito na'ko."
Tulala akong kinuha ang selpon, sa dahil panay ang tunog nito. Nakita ko ang madaming text message ni Ethel sa 'kin. Agad ko naman ito binasa.
From: Ethel alcohol
Uy, te san ka?
From: Ethel alcohol
Are you okay? Someone texted me na inuwe ka na daw niya. And I sure si Kaizen yun. Chineck ko ang cctv dun sa area nangyari. At tama ako. Text me, asap, girl take care.
Nakahinga ako ng malalim at bago pinatong sa cabinet ang selpon. Agad naman ako dumeretso sa banyo at naligo. Saktong paglabas ko naman ang pagbukas ng pinto at iniluwal nito si Kuya. 'world war 3 nanaman' Si kuya Sian kasi yung tipong kala mo si Mommy, daig niya pa makapagsermon. Bigla ko tuloy namiss si Ate Eunah mas close kasi kami at lagi niya akong napagtatanggol kay Kuya pag nagsisimula itong manermon, though na kahit istrikto si Kuya ay mahal ko siya.
"Kuya?" sabi habang nakayuko, hinihintay kong may sabihin ngunit nagkamali ako. Nilapitan niya ako sabay niyakap.
"Sabi ko naman sayo magiingat ka.." sabi niya ng nakayakap sakin. "Make sure na okay ka, na alam namin sino kasama mo." dugtong niya.
"Kuya.." nangingilid na luhang sabi ko. Tumango tango at di makating sa kanya ng deretso. "Sorry kuya." saad ko, tangin ito na lang salita ang nabanggit ko. Hindi ko mawari pero masaya ako kasi nandito siya para sa'kin.
Bumitaw na din siya sakin sabay hawak sa muka ko,"Its okay, ang mahalaga okay ka, walang kung anong nangyari sa 'yo. And thanks to Kaizen dahil nandun siya, at nailigtas ka." Aniya.
"What do you mean?" taka kong tanung.
"Tinext niya ako na sabi nakita ka daw niya, then binilin ko na bantayan ka, pumayag naman siya." Paliwanag niya. Tanging pagtango na lang ang nasagot ko.
"Osge na, bumaba kana para kumain, may lalakarin lang ako." Paalam niya.
"Sige kuya, ingat." saad ko.
Pagalis niya saka ko naman inayos ang sarili ko, dahil walang pasok ngayon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa maghapon. Nagsuot lang ako ng maong na short saka tshirt na medyo maluwag mas komportable ako dito lalo na pag nasa bahay lang.
Pagbaba ko may pagkain na agad nakahain, mukang inutusan na ni Kuya ang maid para dito. Agad naman akong kumain pagtapos ay kinuha ko ang selpon at nagscroll lang dito. I was stopped scrolling ng may maid na lumapit sakin.
"Ma'am, may tao po sa labas, kaibigan niyo daw." taka akong tumingin sa kanya. Kung kaibigan for sure papasok ng deretso yun.
Taka akong nagpunta sa gate at tignan kung sino yun, gulat akong napatitig sa kanya. Omygad! Kita ko siyang nakasandal sa pinto ng mercedes benz niya saka nakatitig sa 'kin.
"Manang papasukin mo." Utos ko, agad naman itong sumunod at binuksan ang gate at pinapasok si Kaizen. Yeah! It was Kaizen, 'kaizen cled argonza'. Naglakad na din ako pabalik sa sala ng maupo siya sa harap ko.
"Oh Hi, di 'ko ineexpect na pupuntahan mo ako dito," panimula ko. Nakatitig lang siya sa'kin at saka ngumiti.
Nginitian niya ako, totoo ba 'to?
I smiled at him. "Thank you for last night, btw."
He nodded. "Can ask you a question?" he asked.
Bigla akong kinabahan, shit, relax Frances relax! Bulong ko sa sarili ko.
"Sure, what it is?"nakangiting sabi ko.
"Can I—" naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating sila Scott at Frey kasunod si Kuya Sian. Nakakainis panira. Kala ko ba naman pinuntahan niya talaga ako may usapan pala sila.
Assumera numero uno Frances!
"Oh Hi bro, agad natin a?" asar na tanung ni Scott.
"Tsk."
"Mukang naguusap kayong masinsinan ni Frances, naistrobo ba namin kayo?"Aniya ni Frey.
"O, shut up guys!" Angil niya. Nakita ko naman na ngumisi lang si Kuya bago nagpunta sa kwarto niya. At napansin ko na parang kulang sila wala si Kernel.
"Scott? Where's Kernel?" tanung ko. Agad naman siyang bumaling sakin saka ngumiti.
"Bakit si Kernel ang hinahanap mo nandito naman si Kaizen?" nangaasar na ngiti niya.
"Hoy, h-hindi a, napansin ko kulang kayo kaya nagtanung lang, isyu ka." Deny ko, grabi iisyuhan pa 'ko.
"Busy siya, Ces. Busy sa babae." Natatawang sagot ni Frey.
Siya na ang sumagot sa tanung ko kay Scott. Mga baliw talaga to, nakita ko na natahimik lang si Kaizen. Napaalam muna ako na lalabas lang. Hindi ko na hinintay sagot nila at agad na naglakad palayo. Kinakabahan ako baka mahalata nilang nabibighani ako masyado sa kaibigan nila.
Nasa garden na ako ng may boses na nagsalita sa likod ko. "Pwede ba tayo magusap?" Tanung niya, agad naman akong tumango at nagkunwaring hindi nagulat upang hindi niya mahalata.
Ayokong mahalata niya nakakahiya.
"O, ano ba yung paguusapan natin?" tanung ko ng makaharap ako sa kanya. Sobrang lapit niya sakin at pati pabango niya ay naamoy ko, grabi.
"I like you!" deretso at walang alinglangan niyang sabi.
"W-what?" Nauutal kong tanung. Tiim bagang lang siyang tumitig sa 'kin at nangungusap.
I don't know what to say!
" I said I LIKE YOU!" ulit niya. Malalim akong tumitig sa kanya at pinag aralan kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo o kasinungalingan lamang.
"S-sorry.." kita ko agad sa mata niya ang panglulumo. "I'm sorry, i didn't know what to say, masyado mo ako nawindang." Dugtong ko.
He nodded and smiled at me. "Alam ko naman yun, expected ko na dont worry." saad niya.
Dapat na ba akong kiligin? Matuwa? Totoo ba na umamin siya sa 'kin. Di ako makapaniwala masyadong mabilis ang pangyayari at nagugustuhan ko 'to. Pero may sinasabi ang isip ko na wag basta basta maniwala hanggat hindi napapatunayan.
Agad naman akong tumitig sa kanya at kunwaring nagsungit.
"Talaga? Do you like me?" I asked.
He nodded.
"The prove it to me." hamon ko.
"Okay, from now on I will start courting you?" angil niya.
Omygad! Totoo nga jusmeyo ang puso ko! Nahuhurumantado sa kilig. I need oxygen.
I nodded, bago tumakbo papunta sa kwarto ko narinig ko pa na tinawag niya ako sabay tawa, di ako nag atubiling lumingon pa. Nakita ko sa sala sila kuya na busy, tinawag din nila ako pero nagtuloy tuloy lang ako at sinara ang pinto ng kwarto at nilock. Doon ko binuhos yung kilig, tuwa na kanina ko pang pinipigilan.
Omygad, kinikilig ang tumbong ko. At masyadong natutuwa ang puso ko. Sana ganito na lang lagi.
—————
———❤️
YOU ARE READING
EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)
RandomWhen a painful dreams turn into reality. What should I do? What else I can do.. FOR YOU?!