"I was already going back to my next class, when I saw you."
Nasa hallway ako nag lalakad ng makita ko si Kaizen, naglalakad rin.
"Frances, kumain kana?" He asked.
"Yes, katatapos lang, ikaw ba?" balik kong tanung. Tumango siya dahilan para hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.
Sandali kaming natahimik at pinagpapakiramdaman ang bawat isa. Hinihintay kung sino ang unang kikibo.
"About what happened yesterday, I—"
Pinutol ko ang sasabhin niya. "It's okay. Tapos na yun, wag na natin pagusapan pang muli." ani ko na may ngiti sa labi.
"Okay."
Tumango ako at akmang aalis na sana ng bigla ulit siyang magsalita.
"Ihahatid na kita mamaya." ang tingin ay nasa 'kin parin.
Pilit ang ngiti kong sumulyap sa kanya sandali bago tinuon ang mga mata sahig.
"Sige." Iyun lang at umalis na ako.
God, bakit ba ako nagkakaganito, halos di ko siya masulyapan na, halos dati naman kung titigan ko nga siya ay parang wala ng bukas.
Wake up.. Francess, act normal. pls.
"You okay?" tanung ni Ethel ng makapasok ako sa sunod na klase namin.
Tumango at tumitig sa kanya.
"Bakit?" natatawang ani niya, nabigla ng tumitig ako."May muta ka." ani ko dahilan para mataranta siyang alisin ito.
Tatawa-tawa naman akong bumaling sa kanya.
Mabilis lumipas ang oras at uwian.
"Tara sabay na tayong umuwe." anyaya ni Ethel matapos maglagay kami ng ilang gamit sa locker bago tuluyan lumabas ng campus.
Sa sinabi niya na yun, agad ko naman naalala si Kaizen. Ihahatid niya nga pala ako pauwe.
"Ihahatid ako ni Kaizen." saad ko.
"Kayo na ba?" maagap na tanung niya.
"Hindi pa."
"pa? edi may balak kang sagutin siya?" tanung niya pa ulit.
"Siguro.. ewan."
"Hala siya, ewan daw. Gaga ka ayusin mo, pag-isipan muna para hindi na kayong tuluyan masaktan dalawa. Ikaw rin." pagbabanta niya para mapaisip ako.
"Sira, sige na nandiyan na siya magkita na lang tayo bukas." masayang sambit ko.
Kunot noo naman siyang bumaling sakin at natatawa.
"Boba, sabado bukas wala tayong pasok." aniya.
Bahagya naman akong napakamot sa ulo ko at tinatago ang pagkapahiya.
"Hehehe.. oonga pala."
"Ayan kasi, masyado ka kasing lutang kakaisip pati petsa nakakalimutan muna." Ayun nanaman yung boses niyang walang tigil sa kaingayan. "Oh siya, sige na ayun na sundo mo. Hinihintay kana." anunsyo niya sabay nguso sa likod ko. Agad naman akong bumaling at nakita si Kaizen na nakasandal sa sasakyan niya na may ngiti sa mga labi.
"Hey." bati niya ng makalapit ako. "Is that your friend right?" tanung niya, batid ko na si Ethel ang tinutukoy.
"Yes, bakit?"
"Hmm. may kambal ba siya? " tanung pa ulit na mas lalong naging palaisapan sakin.
Umiling ako. "Wala, nagiisang anak lang siya." ani ko. "Bakit mo natanung?"
Bahagya naman siyang umaling at ngumiti sakin. Bakit iba ang pakiramdam ko sa bawat tanung niya, bakit parang may mali.
"Tara hatid na kita." aniya saka pinagbuksan ako ng pinto at sumakay.
Hindi na muli pang nasundan ang usap namin 'nun, kaya naman naging tahimik ang buong biyahe namin. Bagay na parang naging akward samin dalawa. Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng bahay namin ng akmang lalapit siya sakin.
Awang ang labi kong tumitig sa kanya pababa sa mga labi niyang nang-aakit.
Shit. Hahalikan niya ba ako?
Ngunit gano'n na lang hiya sa mukha ko ng matanggal niya ang seat belt ko.
Agad ko naman naiwas ang paningin matapos matanggal niya 'yun.Grabi, ang tanga ko sa part na nag assume ako.
"Thank you." Iyun lang ang nasabi ko at akmang lalabas na ng pigilan niya muli ang kamay ko. Dahilan para lumingon ako sa kanya. Pero mukang napasama ata, dahil saktong-sakto ang paglingon para madikit ang mga labi namin at mahalikan siya.
"I love you." Ani ni Kaizen matapos maghiwalay ang mga labi namin.
"I love...you too." tugon ko bago nagmamadaling bumababa sa kotse niya at dali-dali pumasok sa loob ng bahay.
Ano bang nangyayari sa'kin. Bat ang bilis ng tibok ng puso ko. Sign naba ito? Sign na nagkakagusto na rin ako, kahit alam ko sa sarili ko na dati ko pa naman siya gusto..
LUNES panibagong araw, panibagong linggo. Wala naman kagaano nangyari nitong weekend bukod sa dinalaw lang naman ako ng sakit. Bakit ngayon pa.
Halos hindi ko magalaw ng ayos ang mga paa ko sa sobrang sakit na para bang nangangalay. Ni maski ang bumangon ay hirap ako. Pinipilit ko lang pag kailangan kong magbanyo dahil sobrang ihing-ihi na ako.
Nakasandal ngayon ako sa headboard ng kama ko ng bumukas ang pinto at niluwala nito si Manang.
"Hija..ayos ka lang ba?" gulat na tanung nito at saka bahagyang nilagay ang kamay sa noo ko. "Ang taas ng lagnat mo, teka at kukuha ako ng gamot at magpapaluto na rin na ako ng mainit na sabaw." anito na nag-aalala.
Tanging pagtango lang ang naisagot ko at saka pinikit ang mga mata.
Nagsabi na rin ako kay Ethel na hindi ako makakapasok dahil sa masama ang pakiramdam ko. Siya na ang bahalang ipagpaalam ako sa prof namin, magaling naman siya duon.
Ilang minuto lang din ay muling bumukas ang pinto ng kwarto ko dahilan para umayos ako ng higa at pilit ang mga matang sinulyapan 'to, ngunit sa pagkakataon na' to ay hindi si Manang ang niluwala nito kundi..
Kaizen..
"A-anong gina-gawa mo dito." bungad ko matapos sinusundan siya ng tingin na nilalagay sa gilid na table ko ang tray na dala niya.
"Aalagaan ka." tipid na sagot niya.
"Hindi na kailangan, kaya ko naman."
"Tss."
Sandali siyang tahimik bago kinuha ang sopas nasa tray nito, hinipan at marahang nilapit sa bibig ko.
Ha? Anong ginagawa niya.
Maghuhurementado pa sana ako ngunit hindi na kaya ng katawan ko kaya naman wala akong choice kundi kumain habang sinusubuan niya.
"Magpahinga kana. Nandito lang ako." aniya saka ako kinumutan.
"Salamat." ani ko na may ngiti sa labi.
"Basta para sa'yo." ngiti niya. "Gagawin ko maging ano pa man yan." dagdag niya pa na mas lalong nagbigay kilig sa dibdib ko.
Tuluyan na ata talaga akong mahuhulog sa kanya. Sana ganoon rin talaga siya.
—————————
————-—
Ty! Bangers.
YOU ARE READING
EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)
RandomWhen a painful dreams turn into reality. What should I do? What else I can do.. FOR YOU?!