EVI Chapter 8

21 2 0
                                    

KINABUKASAN tulala akong nakaupo sa hapagkainan habang kumakain. Napapailing na lang ako tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari sa kagabi. Halik lang naman 'yun, kung bakit ganito ang epekto sa 'kin.

What the hell is happening to me!

"Hindi naman kaya mabali yang leeg mo kakailing." Si Mommy na kakapasok lang ng kusina.

Agad naman siyang lumapit sa'kin at mahigpit na yumakap.

"Mommy."

"Frances, 'nak, I'm sorry for what happen last night." She said with a sad tone.

"No, mommy. It's okay, wala naman ibang nangyari sa 'kin bukod sa lagi naman akong ga 'non tuwing dumating 'yun."malalim ang buntong-hininga ko. "And beside I was Kaizen that night, sinamahan niya ako at hindi siya umalis hanggat hindi tumitigil ang malakas na ulan, kulog na may kasamang kidlat."

Ilang sandali siyang natahimik bago nagsalita muli.

"I like him."biglang sambit niya na ikinagulat ko. Gulat akong tumitig sa kanya at tanging pagngiti lang ang ginawa niyang balik sa 'kin.

Tama ba narinig ko, gusto niya si Kaizen, saan? kanino? bakit? Ang daming tanung sa isip ko na gusto ko itanung sa kanya.

"I'd like to thank him, papuntahin mo siya rito, Invite him for dinner."masiglang sabi ni Mommy na may kasamang palakpak pa.

"What? Hindi na kailangan Mommy,  Nakakahiya. Ako na lang magpapasalamat sa kanya, nang sarili ko." tutol ko, hindi naman sa ayaw ko pero kinakabahan ako na ewan.

"Nakakahiya?" aniya. "Hindi ba dapat ikaw ang mahiya kundi mo siya pasasalamatan."

"But mom—" putol niya sasabihin ko.

"No buts, baby. Invite him or grounded for one week." She asked.

"No way."bulas ko. "Fine, papayag na 'ko." wala akong choice kundi ang pumayag, ayoko ngang magrounded ng one fucking week, hell no! Baka mabaliw ako nun.

Nasa skul ako ngayon at papasok nang klase ko nang may brasong bigla-bigla na lang umangkla sa 'kin. At hindi na ako nagtaka na kung si Ethel 'yun. Siya lang naman ang mahilig gumawa 'nun at sanay na ako.

"Frances.." mahinang tawag niya. Parang may kakaiba sa boses niya.

"Hmm."tugon ko pero ang tingin ay nasa daan padin.

"Frances.." ulit niya. Naiinis na ako ah, panay ang tawag niya pero hindi naman sinasabi kung ano—marahang akong lumingon sa kanya napaawang labi sa nakita.

"Anong nangyari sa mukha mo?" sigaw ko.

Namamaga ang kaliwang mata niya,  may sugat ang gilid nang labi, halatang binugbog ito o ano man. Batid ko na pinahidan niya ito nang concealer upang hindi mahalata pero kung malapitan at titignan mo talaga ay halata pa rin.

"Anong nangyari sa'yo, sino ang gumawa niyan?" Ulit ko.

"I'm okay, Cess. Malayo sa bituka 'to." malamya niyang sabi.

Napansin ko lately na paiba-iba ang kinikilos niya, hindi na lang ako nagtatanung pero napapansin ko 'yun.  Gusto ko man magtanung pero pinipigilan ko ang sarili ko, dahil mas gusto ko na siya mismo ang mag open sa 'kin, kesa ang pangunahan siya.

Nang makapasok sa loob ng klase ay agaw atensyon agad ang bulong–bulongan nila.

"Look, sinapak ba siya."

"Omg, girl kawawang Ethel."

Titigas ng muka, harap-harapan talaga.

Marahan akong tumikhim at padabog nilapag ang aklat na hiniram ko sa library kanina sa desk ko. Agad naman silang tumahimik at mabilis ang ayos sa kanilang mga pwesto, sakto naman ang dating ng prof namin kaya nananahimik sila. Mabilis natapos ang oras at uwian na, at hindi ko pa rin nakikita si Kaizen, hindi ko pa tuloy siya masabihin about sa dinner na gaganapin sa bahay mamaya. Bukod dun kinakabahan din ako kung paano ko siya haharapin once na magkita kami. Fuck! Help me.

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now