EVI Chapter 4

25 3 0
                                    

"Frances, nabalitaan muna?"

Nasa bench ako ngayon nakatambay, nang biglang lumitaw sa harapan ko si Ethel.

Ay jusmeyo! Palitaw.

"Ano ba? Bigla bigla ka na lang sumusulpot." pagsusungit ko saka kunot noong tumingin sa kanya.

"Ay sorry puu!" saad niya nang may pang aasar.

"Bakit ba nandito ka?"

"E, ikaw? bakit nageemote ka dito magisa?" balik niyang tanung.

Umirap lang ako. "Wala.. gusto ko lang mapag-isa." ulas ko. Wala ako sa mood ngayon para makipag asaran sa kanya, lalo'nat hindi pa nagpaparamdam sa'kin si Kai, mula 'nung umamin siya.

"Asus, dahil sa lalaki nanaman na'yun, mygad! Maria Victoria Frances!" wika niya kasama ang buong pangalan ko.

What the fuck!

Gustong-gusto ko siya sapakin sa mga oras na'to, kahit isa lang nang makaganti man lang. Nakakainis.

"Shut up! Naririndi ako sa boses mong maingay."

Ngumiwi siya. "Aray, ang pranka mo talaga hindi ka mabiro." Nakapout niyang sabi.

"Ano ba kasi yung nabalitaan mo? Sabihin muna nang maka alis kana." Mataray kong sabi.

Marahil ganito lagi kami magusap at sanayan lang, pagalingan na lang nang asaran at sa kung sino ang unang pipikon. 'at siya lagi 'yun'

"Balitang balita kasi ngayon na si Kaizen may nililigawan.." usi niya, tahimik lang ako nakikinig, at kunwaring patango-tango. "..alam mo pa ba pupuntahan niya daw ito sa room niya after ng klase." kinikilig na sabi niya.

Shet! Ayokong mag assume but.. I wish is me! :/

"Okay, you may leave na, ang ingay mo wala naman pala kwenta ang balita mo." Kunwaring iritado kong sabi. Ayoko ipahalata na nag aassume ako 'yung pupuntahan, kahit na preny pa kami mas gusto ko na siya mismo makakita. Iniingatan ko lang ang sarili ko baka kasi mamaya hindi pala ako. Duh!

Uwian na so its means ito na 'yung oras na hinihintay nang ilan. After mag ring ng bell kita ko na agad nagkakagulo ang mga ibang students sa may hallway, mukang iyan na ata ang show na hinihintay nila.

Nasa kalagitnaan ako nang pag aayos nang gamit ko nang magtilian ang mga studiyante sa labas. Shit! Agad ko naman kinuha ang gamit ko at lumabas. Makikichismiss lang.

"Omg, girl ayan na siya."

"Ang swerte naman ng babae naliligawan niya."

"Sana ako na lang."

"Tsk."

'sorry girl, akin yan.'

Paglabas ko nakita ko na agad si Kai na papalapit sa gawi ko at may dalang bulaklak. Omy. Malalim ang buntong hininga ko habang ang mata ay titig na titig sa kanya agad naman akong ngumiti at akmang magsasalita- nang biglang may babaeng humarang sa harapan ko, kung kanina ngiting ngiti ako ngayon naglaho na.

'shit kala ko ako na hindi pala, assuming amputa.

"Hi," bati niya sabay kuha nang bulaklak at inamoy. "Ang sweet mo talaga." Maarteng sabi niya.

Naramdaman ko naman na lumapit sa tabi ko si Ethel at sabay hawak sa braso ko, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa dalawa, masakit man sa side ko, sino ba naman ako para mag assume, tanga ko na lang at naniwala agad ako na totoo yung sinabi niya.

"Lets go."sabi ko at saka tinalikuran sila. Agad naman din na sumunod si Ethel sakin at walang kibo.

Masyado akong nag expect na kala ko ako yun, pero hindi pala.

Pagkauwe ko, wala pa sila mommy at kuya kaya naman nagderetso na lang ako sa kwarto ko at pabagsak ang katawan humiga sa kama.
Nararamdaman ko rin na nangingilid na ang luha ko at anytime pwedeng tumulo. Tulala lang akong nakatitig ss kawalan nang dalawin ako nang antok.

Kinabukasan nagising na lang ako sa sinag nang araw na tumama sa muka ko. Agad naman akong bumangon at naligo. Pababa na ako nang makasalubong ko si Manang.

"Frances, hija inaantay ka nang boyfriend mo sa baba." Sabi niya.

"Po?"

Tama ba yung rinig ko. Boyfriend?

Dahil wala akong ideya kung sino 'yun, bumaba na ako. Pero, laking gulat ko na si Kaizen yung tinutukoy ni manang.

"What are you doing here?" masungit na tanung ko.

Kung 'nung nakaraan kilig na kilig pa ako pag nakikita ko siya, ngayon hindi na. Ewan ko, nasaktan e,

"Sinusundo ka." tipid niyang sagot.

"Ha? Sundo? Kelan pa ako nagkaroon nang driver na sing pogi mo?." sarcastic kong sabi.

"Frances.." tawag niya.

Umirap lang ako at nagtungo sa kusina para kumuha nang sandwich at para umalis na.

Nasa labas nako ng bahay namin nang may brasong humatak sa'kin.

"Ano ba?" Asik ko.

Naiinis ko sa way nang pakikitungo niya parang kahapon lang may paflowers-flowers pa sa iba, tas ngayon sa'kin naman umaaligid. Wow! Just wow.

"Ano bang ginagawa mo dito? Umalis kana at hindi ako sasabay sayo." angil ko saka hinatak ang braso ko sa kanya.

"Frances.. let me-"

"No, ayokong marinig ang sasabihin mo kaya please, umalis kana." Pagkasabi ko nun, dali-dali kong tinawag ang driver ko at umalis.

Explain? No need. Bahala siya sa buhay niya.

Tulala lang ako buong biyahe, ni hindi ko nga namalayan na nasa tapat na pala ako nang skul ko.

Psh.

Malalim ang buntong hininga ko nang bumaba, gusto kong maging masaya sa araw na'to pero kung naunahan naman na agad nang inis, balewala.

Nasa may hallway na 'ko nang makita ko si Ethel na tumatakbo papalapit sa gawi ko. Habol ang hininga niya nang makalapit sa'kin. "F-frances, jusmeyo kanina pa kita-tinatawag ang bingi mo."

Hu? Parang wala naman akong narinig.

"Ha? Hindi ko alam."

"Buset ka talaga, nabagok ka nanaman siguro kaya ka ganyan." Inis niyang sabi sabay batok sa'kin.

"Aray, ano ba? ang aga-aga nangbabatok ka, kung sapakin kaya kita." Angil ko. Agad naman siyang nagpout sa 'kin at marahan humawak sa braso ko na kala mo'y asong naglalambing.

Nagpeace sign lang siya at saka ako inaya papunta sa klase namin. Takot rin pala ang gaga.

Mabilis lumipas ang oras at lunch time na, nasa may cafeteria kami nang may tray nang pagkain naglapag sa table namin. Kunot-noo akong bumaling dito-at laking gulat nang napagtanto kung sino.

"Aluen?" Tawag ko dito, ngumiti lang siya at mabilis umupo sa tabi ko.

"What are you doing here?" I asked. "I thought, nasa states ka, anong nangyari?"

"Saka na natin pagusapan, lets eat first." Aniya.

Nakita ko naman na tahimik lang si Ethel at kibit balikat, ramdam ko na nagulat lang rin siya dahil nandito sa pilipinas si Aluen, kahit na anong ingay niya sa 'kin, tiklop siya pag kaharap si Kade Aluen, maraming beses ko na napapansin yun, mula bata pa lang kaming tatlo.

Pero sa punto na ito, kabado akong magpabaling-baling ang paningin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko marawi pero iba ang pakiramdam ko at batid ko na may nangyari at iyun ang aalamin ko.

------
----

.

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now