EVI Chapter 17

6 0 0
                                    

Days passed, walang Kaizen ang nagpakita sa'kin, maski ang sadyain ako sa unit namin ay 'di niya magawa. Hindi ko alam kung may. pakialam pa ba siya sa' kin o ano?

Hindi ako manghuhula. Nasasaktan din ako.

"'Wag mo nang hintayin, hindi dadarating 'yun." wala sa sariling sabi ni aluen isang hapon habang nakatulala ako sa veranda ng unit namin.

"Paano ka naman nakakasiguro, busy lang siguro." pagdadahilan ko. Umiling-iling na lang siya bilang sagot.

Weekend ngayon at wala kaming pasok na dalawa. Gustuhin ko man maggala gala ay ayaw ng katawan ko, mas gusto pa ata ang mamirmi na lang o magkulong.

"Wala kabang lakad ngayon, supposed to be every weekend my hang out ka diba?"

Napasinghap siya. "Sa tingin mo ba, maiiwan kitang ganyan, baka mamaya—"

"Shut up, dude. Matino pa pagiisip ko."putol ko sa sasabihin niya.

"I just kidding."

Umirap lamang ako saka marahan sumimsim ng juice na nasa harapan ko. Ilang minuto ang tinagal ko sa veranda bago naisipan pumasok nang kwarto at duon tumambay na lang. Sakto naman nang pagtayo ko ay siyang labas ni Aluen sa kwarto niya. Hindi talaga makatiis.

"O, bihis na bihis ah!"nakasuot siya ng  white v-neck shirt, sa kamay niya at may coat na abo, faded jeans at icon shoes na pabirito niya.

"May date ako." masayang aniya na kinalaki ng mata ko.

"Dinga? Sana all." agap ko. Tumawa siya, hindi ko alam sa reaksyon ko o kung sa ano naiisip niya.

Fuck you!

"Nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yo." aniya sabay kamot sa buhok.

"What it is?"

Tumikhim siya. "My parents wants to see you, and we have probably dinner tonight, around six pm."

Awang ang bibig kong tumingin sa kanya. "Seryoso kaba? Bakit naman daw?" hindi makapaniwalang tanung ko.

"Secret, malalaman mo kung sasama ka sa'kin." aniya.

Nakapameywang akong humarap sa kanya. "Bakit mo ngayon mo lang sinabi, bwisit ka. Nakakainis." saad ko saka nag martchang pumasok sa kwarto at naligo.

Mabilis ang naging kilos ko, maski ang suot ko ay hindi ko pinagisipan pa basta ang mahalaga komportable ako at sakto rin sa attire na suot ni Aluen. Konting make up at liptint lang at lumabas na ako.

"Oh, ang bilis mo ah." pagbibiro niya nang maabutan ko siyang nakaupo sa sofa.

"Tsk, tara na, dami mopa sinasabi." asik ko saka naunang naglakad papalabas ng unit namin. Siya na ang naglock nito dahil siya naman itong huling lumabas.

"Saan pala kayo magkikita?" tanung ko.

"Sa exclusive restaurant malapit lang sa unit natin." sagot niya ang tingin ay nasa kalsada pa rin.

Malapit lang pala bat nagkotse pa. Tsk.

Ilang minuto lang at nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi niya. Agad naman kaming sinalubong ng isang crew at sinahaman sa table kung saan naghihintay ang parents niya.

Habang papalapit kami bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Kaba na minsan ko lang maramdaman pero natatakot ako.

"Okay ka lang?" tanung ni Aluen nang makitang balisa ako.

Tumango ako. "Oo, bigla lang ako kinabahan." aminadong sagot ko.

"Relaks, kasama mo ako." aniya saka marahan hawak sa kamay ko na kinagulat ko. Hindi na lang ako umangal sa ginawa niya at walang tutol na sumunod sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now