EVI Chapter 7

17 3 0
                                    

"Frances, aalis muna ako, gusto mo sumama?"

Si Ate habang sinusuot ang hikaw niya pero ang tingin na sa 'kin.

Its been a one week na dumating siya dito, wala naman nangyari nung mga nakaraang linggo panay lang kami kain sa labas, pag si ate ang nagaayaya.

"Where you going?" Curious kung tanung.

"I'm just hangout with my friends." Ngiti niyang sabi. 

Tumango-tango lang ako at pinagiisipan kung sasama ba o hindi. Pero naalala ko na may gagawin papala akong project kaya naman malungkot akong bumaling sa kanya.

"Sorry, ate may gagawin pa pala akong project e." malungkot ang boses kong sabi.

"Ganun ba, sayang naman. Hayaan mo next time na lang. Magiingat ka rito ah." Sabi niya sabay paalam na aalis na, humalik muna siya sa pisnge ko bago umalis.

Magisa lang ako ngayon sa bahay, wala ang parents ko dahil may meeting at event daw sila pupuntahan sa bacolod kaya naman duon sila magpapalipas nang gabi at bukas pa ang uwe. Wala din ang kuya ngayon, may importante daw itong lakad at iyun ang hindi ko alam. Since weekend ngayon sanay nako sa ganitong set-up, na palaging wala sila.

Nasa sala ako ngayon nang biglang lumapit sa'kin si Manang.

"Ma'am." Tawag nito sakin.

"Yes po, bakit po?"

"Magpapalam sana kami na kung pwede umuwe kami ngayon ni Berta." Aniya.

"Po? Ganoon po ba, pano yun wala po akong kasama dito sa bahay." sagot ko.

Bakit ngaun pa nagsabay!

"Hmm, nagkasakit po kasi ang anak ko ma'am at walang magtitingin sa kanya—" pinutol ko ang pagpapaliwanag niya.

"Ah, sige po. Manang, naiintindihan ko, umalis na po kayo at baka maabutan kayo nang dilim sa daan."

"Nako, Ma'am maraming salamat po at pasensiya na rin po, nakahanda naman na po ang inyong hapunan initin niyo na lang po siguro." Aniya.

Ngumiti lang ako at muling binaling ang atensyon sa pinapanuod. Nasa kalagitnaan ako nang panunuod nang may nagdoorbell sa labas nang bahay namin.

Oh! Sino naman kaya.

Marahan akong tumayo at naglakad palabas nang bahay nang magulat sa hindi inaasahang bisita.

"Kaizen." Tawag ko dito. "What are you doing here? Kung si Kuya Sian ang pakay mo, sorry pero wala siya rito. Umalis."casual na sabi ko.

"Yeah, I know. But may kukunin lang ako sa kwarto niya na gamit ko."

Sandali akong tahimik at tumitig sa kanya, inaalam kong nagsasabi ba siya nang totoo o ano.

"Fine.." umirap ako. "Kunin mo ang kukunin mo at umalis kana agad." Masungit na sabi ko sabay tinalikuran siya.

Nang makapasok agad naman akong bumalik sa pinapanuod ko. Nakita ko naman sa gawi ko na pataas na siya nang bigla nanaman ito nagsalita or should I say nag tanung.

"Nasaan ang kasama mo dito sa bahay, bat mukang ikaw lang ata mag-isa?" Mahabang tanung niya.

"Nasa bacolod sila Mom and Dad. Si Ate naman nag hangout, then si Kuya..hindi ko alam kung nasaan siya" Sagot ko.

"I see." Tipid na sagot niya. Seryoso? Haba nang sinabi ko. 'i see' lang isasagot, atleast sumagot reklamo kapa girl.'

Ilang oras ang dumaan at saka ko naisip na gawin na rin ang project ko, sa sala ko na lang siguro gagawin tutal malaking espayo ang kailangan ko. Nakita ko rin na lumabas na si Kaizen sa kwarto ni Kuya at mukang uuwe na ata. Anong ata? Bakit gusto mopa na magstay siya sayo, samahan kana niya.

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now