EVI Chapter 10

17 3 0
                                    

Kinabukasan wala nanaman sa sarili akong nagising at tanging lutang ang isip sa mga bagay-bagay. Sa dami ng nangyari nung nakaraan linggo, hindi ko alam kung saan pa dapat ko ilugar ang pag-iisip ko.

Tatlong araw na ang lumipas mula nung nangyari gulo samin ni Suni at tatlong araw na rin ang lumipas na hindi kami naguusap ni Kaizen, dahil dun ang daming tanung na nabuo sa isipan ko na gusto ko mabigyan ng kasagutan, ngunit paanong mangyayari yun e, kung yung mismong pagtatanungan ko ayaw makipagkita sa 'kin.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Minsan naisip ko gusto ko na lang magka amnesia ng walang dahilan yung gigising ka tas wala ka ng maalala.

Bukod dun idagdag mo pa yung sinabi ni Dean na siyang lalong nagpabaliw sa isipan ko, na hanggang ngayon hindi ko pa napag-iisipan at ni hindi ko nga pa nga na babangit sa parents ko.

I don't know what to do!

"Are you okay?" tanung ni Ethel nandito kasi kami sa rooftop nang campus. "Kung kailangan mo nang kausap, willing naman akong makinig. Sabihin mo lang ako, makikinig ako." aniya.

Pilit akong ngumiti sa kanya na para bang pinag-iisipan ko kung magsasabi ko.

Batid ko na gustong niyang magtanung sa'kin pero pinipigilan niya lang ang sarili dahil narin siguro sa ayaw niya akong pangunahan na magsabi sa kanya o baka hinihintay lang mag open up ako sa kanya.

"Thank you." Iyun lang ang tanging nasabi ko matapos ang mahabang sabi.

"Basta kung ano man iyang problema mo, magsabi ka lang, kaibigan mo ako Frances, handa akong tumulong kung ano pa man yan. Sa maabot nang makakaya ko, tutulungan kita." Aniya, Nuon ko lang din naramdaman ang sinseryong saad ni Ethel, yung tipong walang halong inis asar at seryoso lamang.

Maswerte ako na siya ang naging kaibigan ko.

Ngumiti ako at marahang hinawakan ang kamay niya. "Salamat..dahil nandiyan ka sa 'kin, kayang umalalay ano pa man." malamya kong tugon.

Ngumiti lamang siya at marahan naman akong niyakap. Sa oras na 'yun dun ko lang muli naibuhos ang luha ko na akala ko hindi na muling tutulo.

Nang maghiwalay sa yakap ay marahan siyang bumuntong hininga. "Alam kong gulong-gulo na ang isipin mo. Pero kailangan mong kausapin siya." buntong-hininga niya. "Para na rin magkaroon nang kaginhawa ito." turo niya sa bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

Tumango ako at pilit isinasapuso ang mga sinasabi niyang payo.

"Sige na, mauuna na ako. Magkita na lang tayo mamaya. Pagkatapos niyong mag-usap." Paalam niya. Ngunit tuliro ako sa huli niyang sinabi.

Magusap? Kami?

Magtatanung pa sana ulit ako nang mabilis ang hakbang niyang makalabas ng pinto at maglaho sa paningin ko.

Halos mag-kakalahating oras nang umalis si Ethel at halos magkakahalating oras na rin akong nakatulala sa kawalan. Iniisip ko kung anong gagawin ko. Masyado akong tuliro sa mga oras na ito, anytime baka pwede ako mawala ng balanse at magbalak na maisipang tumalon na lang dito.

Akmang aalis na sana nang magulat ako sa paglingon ko sa gawi ng pinto kung saan ako lalabas sana.

Kaizen..

Awang ang labi kong tumitig sa kanya. "Kanina ka pa diyan?"

Maagap naman siyang umayos ng tayo at bahagyang pumantay sa 'kin.

"Hmm.. siguro." aniya.

Halos di ako mapagsalita, gayung nung isang araw ko pa siya gusto makausap ngunit heto ang ako tahimik lang at walang kibo.

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now