EVI Chapter 13

16 3 0
                                    

"Anak, handa na ba ang lahat ng dadalin mo?"

Malungkot na tanung ni Mommy nang maabutan akong nageempake nang ilang gamit. Bukas na ang nasabing pagalis ko kaya naman walang nang pahid ang lungkot na paglagyan ang dibdib ko. Gusto ko man hindi umalis ngunit naiisip ko pa lang ang chance na masasayang ko nanlulumo na ako.

"Yes, mommy." nakangiting tugon ko.

"Nakapagusap naman kayo ni Kaizen tungkol rito." bigla ay tanung niya. Natigilan ako. Nangangapa kung ano ang isasagot.

Tumango ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. I stay silent as much as possible. Wala. Mas lalong bumibigat ang pag iisip ko na hindi tumuloy at manatili na lang.

Nanatili lang ako sa bahay buong maghapon walang labas-labas. Lumabas lang ako nung kumain kami ng lunch, and then saglit akong tumambay sa garden hanggang sa tinamad na ako at bumalik ulit sa kwarto sa ganoong paraan nasayang ang oras ko. Feel ko ang bilis ng oras ngayon. Parang minadali nitong umalis ako at 'wag ng bumalik.

Dumaan ang gabi at kakain naman ulit kami. Huling gabing makakasama ko sila sa mag dinner. Mga bagay na mamimiss ko sa mga oras na' to.

"Frances, you okay?" tanung ni Mommy nang mapansing nakangiti akong pinagmamasdan sila. "may nangyari ba?" muling tanung niya pa.

Mabilis ko naman pinahid luhang tumulo sa mga mata ko.

Nalulungkot lang ako kasi malalayo ako sa kanila, unang beses na malalayo ako..

"Okay lang po ako, Mommy. Mamimiss ko lang siguro ito."tukoy ko sa sandaling magkakasama kaming kumakain.

"Frances, 'wag ka magalala. Pwede naman kaming dumalaw sa' yo dun." bigla ay sabi ni Ate Eunice. Napatingin ako sa gawi niya at malalapad ang ngiting tumingin sa kanya.

"Talaga ate?" na excite na sabi ko. Tumango siya bilang sagot.

"Bakit hindi? kahit pabalik-balik pa kami dun tuwing weekend gagawin namin." masayang sambit ni Kuya.

Natawa ako. "Grabi naman sa pabalik-balik, okay na sakin yung dalawang beses sa isang buwan, Kuya." ang tingin ay pinalilibot sa kanila.

Maging si Daddy lihim na natatawa sa usapin namin. Hanggang sa may isang selpon ang tumunog nagkanya-kanya naman kaming tingin, hindi kay Mommy, hindi rin kay Daddy, maging kay Kuya at Ate.

Kunot- noo kong kinuha ang sa selpon nasa bulsa ng pants ko. Patikhim ko naman itong sinagot na makita kung sino.

Kaizen..

"Sagutin ko lang po." paalam ko sa kanila bago tumayo at nagpunta sa may sala.

"Hello.."tanung ko sa kabilang linya.

"Ihh, ano ba? stop it babe."boses ng babae ang bumungad sakin.

Napatingin ako sa screen ng selpon ko, iniisip kung wrong call o, ano?

Hindi naman wrong call, at number naman niya, bat boses baba.. e.

Nanatiling nasa tenga ko lang ang selpon ko at pinapakinggan ang nasa kabilang linya.

"Babe, I said stop. Hmm. Uhh!"

Sa inis ko agad ko itong pinatay at marahas na bumuntong hininga.

Ang kapal ng mukha niya ah, ngayon niya pang naisipang gaguhin ako.

"Okay ka lang." bigla ay tanung ni Ate sa sobrang ka occupied ng isip ko hindi ko naramdaman ang presensiya niya.

Tumango ako. "Oo, si Ethel nagpapaalam lang." pagsisinungaling ko.

"Ha? E magkikita naman kayo bukas right."

Pilit ang ngiti akong tumingin sa kanya. "Ah, Ewan ko ba dun, di kana nasanay ganun talaga 'yun." I lied again. Sorry Sis nasama ka nanaman sa dahilan ko. "Ah, sige magpapahinga na ako, busog na ako, pasabi na lang kila Mom and Dad." Iyun lang at dumeretso na ako kwarto ko.

Nang makapasok pabagsak akong nahiga sa kama. Tulala ang mga matang napatingin sa kisame.

Bakit? Ayokong maniwala hanggat hindi ko nakikita pero yung boses pa lang. Naiisip ko lang masakit na.
Kung kelan aalis ako saka magkakaganito, bakit niya nagawa 'yun sana sinabi niya na lang na ayaw niya sakin ng maaga para di na humantong sa ganito na tatawag siya sakin tas ano para lang iparinig ang ganung tinig. Tangna! Magsama sila.

KINABUKASAN hindi marawi ang pakiramdam ko habang inaayos ang ilang gamit ko pati na ang sarili ko. Nakahanda na ang lahat. Sarili ko na lang ang hindi pa. Ewan ko ba, may kung ano sa puso ko ang tumututol na 'wag nang umalis pero buo na desiyon ko. Aalis ako. Hindi para sa kanila kundi para sakin sa sarili ko.

"Frances, mamimiss kita" malunkot na aniya ni Ethel ng makarating kami sa airport.

Mahigpit ko naman siyang yinakap bilang sagot. "Mamimiss rin kita lalo na yung pangaasar ko sayo."

Napanguso siya dahilan para matawa ako.

Isa-isa na rin nagpaalam sila Mommy and Daddy maging sila Ate at Kuya lumapit na rin para magpaalam sakin. Malungkot man pero kailangan mabilis lang ang dalawang taon. Makakaya ko siguro. Sana siya rin.

"Pumasok kana sa loob baka mahuli kapa." ani Ni Mommy.

"Opo, hinihintay ko lang yung makakasama ko. Parating na raw po sabi ni Dean." Hanggang ngayon walang akong ideya kung sino makakasama ko. Sana mabilis kaming magkasundo.

"Frances." mahinang tawag ni Ethel sakin.

"Bakit?" tanung ko.

"Si.. Kaizen. bakit wala siya." bigla ay tanung niya. Nanahimik ako di alam kung ano ang sasabihin.

"Baka busy.. sa babae. Hindi ko alam. Wala ni text at tawag akong natatanggap." pag amin ko.

"Okay lang ba talaga kayo?" muling tanung niya pa.

Ngumiti ako. "Oo naman bakit hindi naman kami magiging okay, beside naka pagusap naman na kami." pilit ang ngiti kong binaling ang atensyon sa iba.

"Basta, kung may problema ka man, just call me, okay."

I smiled. "Thank you."

"Oh?" gulat na sambit niya at may kung anong tinuro sa likuran ko. "Is that Aluen, right?" tanung niya.

Agad kong binalingan ang tinutukoy niya.

"what are you doing here?" bungad na tanung ko nang makalapit siya.

Nakamot niya ang ulo. "I'm sorry, nalate na ba ako" aniya.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Nalate, anong ibig niyang sabihin.  "Omygd, ikaw yung tinutukoy ni Dean na makakasama ko." Malakas na sambit ko, I knew it, the day na nagkasalubong kami. Siya. pala yun. Hindi na ako magaalinlangan kilala ko na siya. Small world huh?

"Let's go, baka malate pa tayo." anyaya ni Aluen.

Tumango ako.

Muli naman akong nagpaalam sa mga taong maiiwan ko. Malungkot ngunit may ngiti sa mga labi ang kumaway sakin hanggang sa hindi ko na sila tuluyan nakita at makapasok na sa loob.

See you after two years, I guess.

—————————
——————
A/N: See you sa next update! Bangers.

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now