EVI Chapter 12

10 2 0
                                    

"Frances, kanina ka pa hinihintay ni Dean."

Ay oonga pala. Muntik ko na makalimutan ang offer ni Dean, kaso hindi pa ako nakakapagdecide. Anong sasabihin ko!

"Sige salamat, mauuna na ako." ani ko sa isang co-student ko na mukang inutusan ni Dean na hanapin ako.

Kinakabahan kong tinutungo ang daan papunta sa office ni Dean, Nawawala sa wisyo ang utak ko at hindi ko maisip kung ano ba dapat sabihin sa kanya.

Sandali akong pumikit at matunog na bumuntong-hininga bago dumilat muli at tuluyan ng kumatok.

"Come in." sigaw mula sa loob.

"Good afternoon Dean." pilit ang ngiting bati ko na halatang kabado.

"Oh, Ikaw pala, Ms. Zuelta, maupo ka."  ani ni Dean.

Tumango ako at marahan umupo sa bangkong nasa harapan ng table niya.

"Napagisipan mo na ba ng mabuti?" straightforward niyang sabi.

Hala siya, dean naman bat ang straightforward mo, huhuhu!

"Ang totoo po kasi niyan.. Dean, ano po." pahinto-hinto kong sabi, ang paningin ay nanduon sa kamay kong nanlalamig. "hindi pa po ako, nakakapagdecide, nahihirapan po ako, iniisip ko po kasi 'yung maiiwan ko rito." dagdag ko hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Ganoon ba, sayang naman kung hindi ka papayag, napaka laking opportunity ni' yun, kung nagkataon."  ani ni Dean na halatang kalmado lang.

Napayuko ako. "Pasensiya na po, Dean." Iyun lang tumayo na ako nasa bukana na ako ng pinto, palabas. Nang tawagin niya muli ako.

"Ms. Zuelta..."

Naguguluhan naman akong lumingon sa kanya.

"Na adjust ang araw nang sana pag alis mo, may pagkakataon kapa, hihintayin ko ang pagbabalik mo, para sabihing pumapayag ka." dagdag niya na may matamis na ngiti.

Dean..

Nagpapasalamat ako, sa sobrang laki ng tiwala mo sa'kin. Hindi ko alam bakit sobrang bait mo sakin, ayokong mag-isip ng kung ano. Pero, pag nakakausap ko si Dean iba ang pakiramdam ko feeling ko ang na namin magkakilala. Ewan!

"Good evening." bati ko matapos. maabutan sila Mommy kumakain sa hapag, kompleto ata kami ngayon, at ngayon na lang ulit naulit ito.

At sakto na nandito rin sila, nang masabi ko na.

"Frances, lets eat." Si Mommy, bago sinalin ng food ang plate ko.

"Thank you, Mom."

"So how's school." Si daddy na seryoso nanaman ang mukha pag study ang usapan.

"Okay lang po." tipid na sagot ko.

Tahimik naman na kumain si kuya at ate na halatang nakikinig lang.

"Hmm, Mom, Dad, Kuya, Ate," tawag ko sa kanila. "May sasabihin po ako." aniya ko.

"Hmm, baby alam namin at pumapayag kami." Si Mommy na halatang masaya at excited pa.

Hindi ko na pala kailangan sabihin pa.

"Pero, mommy ayoko pong iwan si Kaizen." walang alinlangan saad ko, dahilan para matigilan sila sa kinakain habang si Ate naman ay halos masamid na.

"Frances." tawag ni Kuya.

"Kuya, gusto ko man, pero inisip ko si Kaizen." ani ko.

"Frances.. maiintindihan niya." aniya na kalmado lang pero halatang maraming naiisip.

EVERYTHING I WANTED (ON-GOING)Where stories live. Discover now