Chapter 16
Garden HillsKen’s Point of View
Pinindot ko ‘yong play button sa mp3 niya at nagsimulang tumugtog ang music. Pareho kaming nag-eenjoy sa pinakikinggan namin. Sinasabayan pa nga namin kung minsan. Nilabas ko ang phone ko at may nakita akong shared photo sa. Pinindot ko ‘yon.
‘Sino naman kaya itong sumisikat na mga taong ito?’
Hindi ko kilala sina Tristan Aruejo at ang nagpost na si Kyle Costavo. Trending sila ngayon sa Facebook ganoon na rin sa IG, sila ngayon ‘yong laman sa IG at Facebook feed ko.
Itinapat ko kay Champ ang phone ko.
“Kilala mo sila?” tanong ko.
“Ah ‘yan bang sikat na sikat ngayong challenge?” he asked.
“Alam na alam?” sarkastikong tanong ko.
“Kaya nga sikat na sikat e kasi pinag-uusapan ng lahat, buti naman kung ganoon,” pagpapasalamat pa niya.
“Bakit naman?” I asked.
“Kasi natatabunan nila ‘yong mga nagviral na stolen shots natin,” ngiting usal niya.
‘Tama nga siya.’
“Pero sobrang nakakasakal itong pag-viral nila,” puna ko pa.
“Hayaan mo na sila, sila naman ‘yong namomroblema,” usal niya.
‘Wala talagang pakialam sa iba!’
“Hindi ka ba naaawa sa kanila? I mean, ‘yong parang tayo lang, nakakasakal kaya kapag pinagkakaguluhan ka ng lahat,” tugon ko.
“Hindi naman sa hindi naaawa, conservative lang ako sa attention ko, at alam mo kung kanino ito nakatuon,” pahiwatig niya dahilan upang mapahiya na naman ako.
“Nakatuon may face!”
“Ask me who?” ngising usal niya while driving.
“S-sino?” utal na tanong ko.
“Tss! E sino bang kasama ko ngayon?” tuluy-tuloy na saad niya.
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
JugendliteraturCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...