Chapter 17 - Field

105 12 10
                                    

Chapter 17 Field

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 17
Field

Ken's Point of View

Lumipas ang isang linggo and in that one week, we spent our time in practicing the song for the event, hanging around, walwalan at kung anu-ano pa. There were so many happenings in my life as a student in that one week.

We went to the shopping mall to buy clothes for the event na magaganap na next week.

I have known Kira, the best friend of Troy, also Sebastian. Hindi ako sure kung anong totoong deal sa kanila ni Troy but, according to what I could see and notice to both of them made me realize something.

'They're in love with each other at parehong torpe lang ang dalawa.'

Monday na naman and there's a lot to do, una ay ang preparation sa magiging venue ng event na dito sa quadrangle ng Crimson Academy gaganapin, sunod ay ang pamimigay ng invitation letters.

That's what I heard dahil nasa meeting kami ng talakayin ang tungkol doon. Meaning to say, may mga representative ang ibang paaralan dito sa Acosta Valley na magpeperform sa araw na 'yon.

'Nakakaexcite!'

"Ken! Dito!" tawag sa akin ni Kira nang nasa quadrangle ako, nilingon ko siya at kasama niya sina Troy at Sebastian. Lumapit ako sa kanila.

"Magandang umaga! Ano na, saan kayo ngayon?" I asked.

"May practice ngayon sina Champ ng baseball, 'di ka ba manonood?" Troy said.

I shrugged, "I don't know, baka kasi hanapin na naman kami ni Mr. Con."

"Pero mabilis lang 'yon at anong saysay na naroon ka while 'yong partner mo ay naglalaro ng baseball?" si Kira, nanatiling walang kibo si Sebastian pero nakangiti siya habang nakapamulsa.

"Hali ka na! Mabilis lang ito promise!" hinatak ako ni Troy patungo sa field at ang daming nanonood.

'Patay!'

Kaagad na nilingon ako ng mga narito at nagsimulang umingay ang ilan. Dahilan upang mapalingon na rin sa akin si Champ na nasa base, siya 'yong papalo ngayon.

"Gosh! Si Ken!"

"Picturan niyo dali!"

"Nandito ba siya upang panoorin si Champ?"

"Kainis 'no? 'Yong mga gwapo ay nagsisi-jowaan na, paano na tayong mga babae? Huhu!"

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon