Chapter 8 - Plano

226 16 32
                                    

Chapter 8 Plano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 8
Plano

Troy's Point of View

Natatawa ako sa tuwing nakakasama ko 'tong dalawa, hindi kasi kailanman nagkasundo, kahit nasaan man sila. Kung hindi nagbubulyawan ay nagpapatayan sa kanilang tingin. Napapangiwi na lang ako kung nakikita silang ganoon palagi.

'Parehong may mens...'

"Una na 'ko sa taas, Troy..." paalam sa akin ni Ken, nakahawak na naman doon sa strap ng bag niya. Mannerism niya ba 'yon?

Nang makaakyat na sa second floor si Ken ay tsaka ako napatingin kay Champ na cool na nakapamulsa at nakasandal sa pader dito sa may hallway dito sa baba.

"E 'kaw, 'di mo ba susundan 'yon?" tanong ko.

"Yon? Susundan ko? Sundan my face!" hasik niya tsaka tumungo sa library na rito lang din sa tapat ng hagdanan patungo sa taas.

'Baliw talaga pareho...'

I accidentally noticed the bulletin. May mga 'to-do-lists' na nakalagay dito na magaganap sa month na ito.

'Oo nga pala, malapit na ang foundation day at birthday ng Principal namin, magkasabay lang 'yon...'

Napakamot ako sa baba ko, 'At may club opening mamaya, ano kayang aaplayan ni Ken at Champ?'

Naramdaman ko bigla ang taong nasa tabi ko, pamilyar 'yong kanyang amoy lalo na iyong suot niyang hoody jacket.

"Hi..." bati niya.

"H-hello..." nauutal na sagot ko.

'Ang weird din ng isang 'to...'

Dumistansya ako ng kaonting mula sa kanya kaso humakbang din siya palapit sa tabi ko.

"Ako nga si Sebast-"

"I am not interested..." usal ko at humakbang paalis.

He suddenly grabbed my wrist, mahigit niya 'yong hinawakan dahilan upang umasim ang mukha ko sa sakit.

Inis ko siyang tinitigan, "Let go of my hand, air-head!"

"Ano? Ako? Tinawag mo 'kong air-head?"

Nilingon ko ang paligid, walang tao rito dahil class hours na.

"Sino pa ba?" I forcedly removed wrist from his grip.

"E nagpapakilala ako ng maayos sa'yo tapos ang bastos-bastos mo!" giit niya.

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat.

"As simple as wala akong paki sa'yo, 'di ka makaintindi?" masama ko siyang tiningnan.

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon