Chapter 1
HambogKen's Point of View
It was a beautiful Sunday morning, katatapos lang ng misa rito sa aming bayan. Lahat ay nagbabatian at nagyayakapan, sobrang mag-clo-close ang mga tao rito sa San Esteban maliban sa amin na kalilipat lamang mula sa mainit na syudad ng Manila.
Ganito pala rito sa probinsya, malamig ang klima dahil halos lahat ng parte na nakikita ko ay mayro'ng mga puno hindi tulad doon sa Manila na mga matatayog na gusali lamang ang makikita.
We transferred here in province dahil sa kagustuhan ng aking lolo at dahil bedridden na siya. He wanted to pass away here, iyon ang sabi niya na sa tuwing naaalala ko ay nasasaktan ako. I love my lolo very much, and I don't like seeing him to be like that. Nahihirapan siya sa paghinga at pagnguya. Tanging ang swero at oxygen tank na lang ang tanging bumubuhay sa kanya.
Sa tuwing naiisip ko 'yon ay tila gusto ko na lang kunin 'yong sakit na nararamdaman niya.
"Ken, let's go!" untag sa akin ni mommy.
Napansin kong wala na si dad at 'yong sister ko, tiyak ay nauna na sila roon sa sasakyan. Nababagot pa naman ako ngayon dahil alam ko kung saan na naman kami pupunta ni mama. Naiinis ako sa pagkahumaling niya sa mga manghuhula.
"Mom, bakit nandito na naman tayo? 'Di ba sabi mo last time na 'yon na ang huli e..." may inis sa tonong maktol ko.
'Kaunti na lang talaga ay maiiyak na ako. Nakakapikon si mommy eh! '
"Naku, anak, maaari mo bang pagbigyan si mommy? Gusto ko lang kasi na makita ang future ng ating business..." nginitian niya ako nang sabihin iyon, at doon ako napikon lalo dahil napapayag na naman niya ako.
When I gave her my agreement ay tsaka siya pumasok sa kulay lila na tent, purposely designed for fortune tellers.
"Kasi naman!" pikon na pikon na maktol ko muli sa aking sarili at ginulo ang buhok ko.
Ang tent na narito ay malapit lamang sa plaza, at nahuhumaling ako sa ganda ng tanawin doon. I glanced at the tent's entrance. Matagal pa bago lumabas ang magaling kong mommy kaya naman ay napag-isip-isip kong magpasyal sa kalapit na parke.
I am already seventeen years old, at nasa senior high school na ako. My parents enrolled me in one of the prestigious private school here in the province. Sa Crimson Academy at masasabi ko namang sakto lang at walang pinagkaiba sa dati kong private school.
Nang marating ko ang platform ng park ay kaagad kong naramdaman ang presko at sariwang hangin. I could feel the leisure in the surrounding. Ang maingay na mga batang naglalaro ng sipa sa masilong na parte ng parke, kahit na pawisan ay walang iniindang kung anong problema dahil kalayaan nila 'yon. Ang sarap tuloy maging bata.
Narinig ko rin ang tunog ng mamang nagtitinda ng dirty ice cream sa may pavement malapit sa monument. May mag-couple na bumili sa kanya at napaka-sweet nila. Napaismid ako ng wala sa oras.
"Maghihiwalay din naman!" nanunuyang bulong ko sa sarili.
Suddenly, a ball coming from those teenagers that were playing hardly hit my head dahilan upang mapaluhid ako sa damuhan dahil sa sakit na nararamdaman. Narinig ko pa 'yong sigaw nila roon sa hindi kalayuan ng 'Oh!' subalit huli na nga ang lahat, tinamaan nila ako at hindi ko mapapatawad kong sinuman ang taong 'yon.
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
Novela JuvenilCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...