Chapter 6 - Pandak

242 16 10
                                    

Chapter 6 Pandak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6
Pandak

Ken's Point of View

Pagpasok ko kinaumagahan ay muli akong inihatid ni manong Jose. Muli ko rin siyang pinakiusapan na sunduin ako rito mamayang hapon.

"Magtext na lang po kayo mayang hapon serr..." untag niya sa akin.

"Sige po." I smiled.

Nang nasa tapat na ako ng gate ay muli kong naalala 'yong pangyayari kahapon, hindi na ako nagtaka nang mabasa ko ang nasa tarangkahan. Pinalitan nila 'yong karatula roon.

Muli kong nakita 'yong guard na parang bouncer at tumungo siya nang lingunin ko rito sa pwesto ko. 'Mabait ka naman pala kung gusto mo...'

Unknown: Nasa school ka na? :)

Text nang kung sinuman sa akin kaya agad akong napakunot-noo. Sino namang magbibigay ng number ko rito? Napakamot ako sa aking baba. Agad akong nagtipa ng reply.

Me: Ho u?

When I clicked the send button ay naglakad na ako while holding my phone, in case magreply siya at malaman ko agad kung sino siya.

Walang pang isang minuto ay may reply na siya.

Unkown: Hindi pa ba niya nasasabi sa'yo?

'Ha? Sinong magsasabi sa akin?'

Me: Ano? Anong sinasabi mo? Can you just answer my simple question?

Reply ko muli at pagkatapos ay tinungo na ang second floor. Buti maaga ako ngayon and thankful na rin ako dahil malapit lang ang school sa bahay namin. Hindi na ako malelate.

Subalit, wala akong natanggap mula roon sa mystery sender na 'yon, natakot yata sa haba ng reply ko. I shrugged before entering the room.

Pagpasok ko, still, ganoon pa rin ang ambiance. Comparing my former school, halatang mas magara ang school na ito kaysa roon. Pagkaupo ko sa seat ko ay may lumapit na babae, siya 'yata 'yong pabebe kahapon, I guess? Hindi ko maalala 'yong pangalan niya.

"Hi!" masiglang bati niya sa 'kin, inipit pa niya 'yong buhok niya roon sa kanyang tenga.

Tumingin ako sa kanya, bigla siyang nailing, napansin ko pa ang pamumula ng kanyang pisngi.

"H-hello..." I replied, even though I got stuttered, I managed to smile at her.

"OMG! Ang gwapo mo namnan!" impit na tili niya sa akin dahilan upang mapahiya ako.

"A-ah, hehe..." pilit ang ngiting ipinakita ko sa kanya, umayos ako ng upo, kaso nailing ako nang bigla niya akong siyasatin.

"Kaso, mukha kang shuteyyyy e! Haha!" gulat ako nang tumawa siya, 'yong tawang sobrang over-acting.

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon