Chapter 13 - Bistado

145 13 5
                                    

Chapter 13 Bistado

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 13
Bistado

Troy's Point of View

Buti hindi pa masyadong madilim nang makabalik kami rito sa school. Iilan na lamang ang nakapark na mga sasakyan dito sa parking lot.

'Nandito pa pala 'yong dalawa?' saad ko sa isipan ko.

Nandito pa kasi 'yong sasakyan ni Champ, meaning to say, hindi pa sila tapos sa practice nila.

Nang makapark na siya ay tsaka ako bumaba, ganoon na rin siya, at nang hahakbang na sana ako ay tsaka niya hinawakan 'yong wrist ko. Nagdalawang-isip ako kun tititigan ko ba siya o hindi kasi alam ko na once tumama muli 'yong paningin ko sa kanya.

'Mararamdaman ko na naman 'yon.'

"Bakit?" tanong ko without looking at his eyes. Alam kong maganda ang mga mata niya subalit, ang hirap kasing iwasan once nakita ko ito.

Para siyang hiyas na ginagamit sa hypnotism.

"Saan ka na pupunta ngayon?" he asked, pareho kaming basa. Iniiwasan ko ring tingnan 'yong damit niya kasi hubog na hubog talaga 'yong katawan niya roon.

Iniiwasan ko pa naman ang sarili kong magkagat-labi, lalo pa't nakaka-ulol magkagat-labi. Naiimagine ko 'yong sarili kong nagkakagat-labi ay kinikilabutan ako mula ulo hanggang paa.

'Paano 'yong shivers?'

"Sisilipin ko lang sina Ken at Champ," I replied.

Suddenly, his eyes went wide open. Nagulat ko ba siya sa mga pangalang binanggt ko?

"Kilala mo sila?" he asked, kulang na lang ay kuminang na 'yong mga mata niya sa tuwa.

I furrowed, "Oo, syempre, childhood friend ko 'yong mga 'yon."

"Really?" mas naa-amaze pang usal niya.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" I asked curiously.

Pinagkiskis niya ang mga palad niya tsaka ngumiti sa akin. Madalas na siyang ngumingiti sa harapan ko dahil sa nangyari kanina.

"When I was in my former school sa Manila, sikat na sikat si Ken dahil sa pagiging singer niya and ganoon na rin si Champ na sikat din sa social media lalo na 'yong nag-viral na photo ni Champ na nag-guitar lesson? Sino bang hindi makakakilala sa kanya?" mahaba niyang paliwanag.

'Noted. That was his longest sentence ever.'

"Hmm," tumango ako bilang sagot.

"And then, I just heard about the viral photo na nakunan dito lang sa cafeteria, their fans mobbed about it! At ngayon malalaman kong kaibigan mo pala ang dalawang 'yon? What a small world!" he said that while smiling.

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon