Chapter 25
MessageTroy’s Point of View
“Did he just hear us guys?” Patrick asked.
“Yes, he does,” Champ calmly said, nang dumungaw kami sa baba ay nakita namin ang isang sasakyang paalis. Hindi namin ‘yon pinansin.
“Guys, what’s up? What happened to Ken?” asked Seb nang makalapit sa amin.
“Bakit?” I asked. Nakapamulsa na naman siya.
“He just asked for my keys and went out, napansin ko ring umiiyak siya,” sagot niya.
“Shit!” cursed Champ at dali-daling bumaba, then lumawak na rin ang mga mata ko nang marealize na sasakyan pala ni Seb ‘yong nakita ko kanina.
“Oh! Wtf! Bakit mo hinayaang umalis si Ken?” I shouted at Seb.
“Why? Bakit? May problema ba?” he asked.
“Yon nga! Baka narinig niya ang mga pinag-usapan namin at maaaring na-misunderstand niya ang lahat ng mga narinig niya,” paliwanag ko kaya dali-dali kaming bumaba at nagtungo sa labas.
“Patrick, mag-drive ka, sundan natin ‘yong sasakyan ni Champ, dali na!” utos ko.
Madali kaming pumasok at agad na pinaharurot ni Patrick ang sasakyan.
“Hindi ko alam na marunong magdrive si Ken,” usal ko.
“Bakit? Hindi ba siya marunong?” asked Seb dahilan upang mainis ako.
“Kaya nga niya hiniram ‘yong susi mo ‘di ba?” sarkastikong usal ko.
“Sorry, hindi ko rin alam na na hindi niya alam! Ah! Basta ganoon!” nawiwindang na sagot naman ni Seb, pare-pareho kaming naiinis dahil naging makasarili kami.
“Sana kasi sinabi na natin sa kanya e! Kasalanan ko ito!” inis na kamot ko sa buhok ko.
Sinusundan lang namin si Champ subalit napahinto rin kami nang hindi namin malaman kung saan nagtungo si Ken. Pare-pareho kaming lumabas ng mga sasakyan.
Linapitan ko si Champ, inilabas niya ang phone niya at maka-ilang ulit niyang pinaringan ang phone ni Ken subalit walang sumasagot. Pati na rin ako ay tinatawagan na rin siya subalit hindi niya ito sinasagot.
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
Genç KurguCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...