Chapter 20
BilinKen’s Point of View
Around two o’clock na nang hapon nang maalimpungatan ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib, hindi malaman kung bakit ganoon ‘yong nararamdaman ko.
Bumaba ako mula sa kwarto, pansin kong hindi pa pala ako nakakapagpalit ng pambahay na damit.
Pagbaba ko ay nakita ko sina mom and dad dito sala. Nagtaka ako nang makitang tumalikod sa akin si mom ganoon na rin si dad, tila nagpupunas sila ng kanilang mga mata at naririnig ko rin ang mga paghikbi ni mom.
‘What’s really happening to both of them?’
Lumapit ako sa kanila, pilit akong nilingon ni mommy ganoon na rin si daddy. They gave me a fake smile. Maluha-luha ‘yong mga mata nila.
“Did you quarrel?” I asked.
Wala pa si Sab dahil maaaring nasa school pa ito.
Umiling si mommy, “H-hindi ‘nak.”
Hindi sabi niya, pero lumuluha ‘yong mata niya. Nakaramdam ako ng kirot. I glanced at dad.
“Ano po bang nangyayari, I am confused,” naupo ako sa pagitan nilang dalawa.
Mom held my hand and sobbed. Sa moment na iyon ay tuluy-tuloy na rin tumulo ang luha niya dahilan upang makaramdam ako ng kirot. Actually, kanina ko pa ito nararamdaman mula pagkagising ko.
Tinanggal ni dad ang suot niyang reading glass, kinuha niya ‘yong phone niya na nasa ibabaw ng glass desk na nasa harapan lang namin. They both gasped an air, pinipigilan ang mga sariling humikbi ng mas malakas.
‘Ano bang nangyayari sa mga magulang ko?’
Matapos na may pindu-pindutin sa phone si dad ay ibinigay niya ito sa akin na may mamula-mulang mga mata dahil sa kaiiyak. Inabot ko ang inilahad niyang phone, may message si Tita Kelly.
Kelly: Dad’s gone :’(
Pagbasa ko sa text ni tita ay naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Nagsimula ring uminit ang mga mata ko at namuo ang luha ko roon.
This is the feeling na kanina ko pa nararamdaman. Ito ang kirot na kanina ko pa natatamasa. At ito ang katotohanang hindi masabi-sabi nina mom and dad dahil alam nilang hindi ko kakayanin.
“No, this can’t be true! Nagsisinungaling lang si Tita Kelly sa ‘tin, hindi ito totoo, right Mom?” pati ang mga labi ko ay nanginginig na rin dahil sa pagpipigil ko sa nararamdaman ko.
Humagulgol ng mas malakas si mommy at niyakap ako.
“Pare-pareho tayong ginulat ng lolo mo anak, he’s really gone, lolo’s waiting for us there,” iyak na sabi ni mommy, pinapakita niya sa akin na malakas siya.
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
Teen FictionCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...