Chapter 15 - Sakit

146 13 52
                                    

Chapter 15 Sakit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 15
Sakit

Sebastian's Point of View

Pagpasok ko kinaumagahan, same attire pero ibang color naman ng hoody jacket ang ginamit ko. I wasn't like this before. Before, ayaw ko sa school, ayaw ko sa maraming tao.

'Sociopath na kung sociopath, e 'yon ang nararamdaman ko!'

Pero, simula kahapon, mas ginanahan akong pumasok. Ewan ko ba kung bakit. Pero alam kong may kinalaman dito si Troy. I don't know him that much kaso sa tuwing kasama ko siya, hindi ako mapalagay.

Maingat akong pumasok sa loob ng klase, buti hindi ako late. Bago maupo ay hinagilap ko muna ang upuan niya subalit wala siya roon, not even his backpack.

'Bakit naman kaya siya wala ngayon?'

I shrugged and went on my chair. Bigla akong nabagot kaya idinukdok ko 'yong mukha ko sa desk ko. Pagkaraan ng ilang mga sandali ay may pumasok na maingay.

"Hello everyone! Namiss niyo 'ko?" matinis 'yong boses niya at halatang matalak na babae.

"Gagi! Ba't ngayon ka lang?"

"Sakit ng tiyan ko this past few days!" she grossly said. Kakabaing tao!

"LBM ka?"

"Gaga, 'yong tiyan ko oo! Hindi ako 'yong LBM!" sigaw pa niya kaya naman ay tumingala ako upang makita siya. She suddenly inserted her hand in her pocket, siguro may tumatawag sa phone niya.

"Hello, Troy? Nasaan ka na?" tila nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. She knew Troy, maybe magkaibigan sila? I don't know.

Napatayo ako at sinundan siya nang humakbang siya palabas ng room. Bigla kasing kumunot ang noo niya. Meaning, may nangyaring hindi maganda.

"Miss," tawag ko sa kanya, buti lumingon.

"O? Sino ka? Stalker ba kita? Sorry wala 'kong time ngayon, pupuntahan ko lang 'yong kaibigan ko. Bye!" tuluy-tuloy niyang usal dahilan upang mapatawa ako.

"Ah, hindi, hmm, pwede ba akong sumama?" matatag kong tanong.

She furrowed and pursed her lips.

"Saan? Kay Troy?" she asked. Tumango naman ako.

"Hmm."

"Kaanu-ano ka ba niya?" she interrogated.

"W-wala, pero kilala ko siya. Gusto ko lang malaman kung nasaan siya ngayon," usal ko.

"He's ill," maikling anya na halos magpintig ang tenga ko.

'Sabi na nga ba!'

"Dalhin mo 'ko sa kanya, ipagda-drive kita, I have my car," alok ko na nag-aalala.

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon