Chapter 3
PerwisyoTroy's Point of View
Kararating ko lamang dito sa school, as usual, maingay at sobrang naririndi ako sa mga bulungan ng lahat. Nauna nang pumasok sa akin si Champ, nakita ko kasi 'yong sasakyan niya roon sa parking lot. Bitbit ko ang librong tinungo ang classroom. Unfortunately, hindi kami magkaklase ni Champ dahil ibang strand ang kinuha niya.
Nang marating ko ang limang hakbang na hagdan ng school ay kaagad kong tinungo ang nakasulat sa schedule ko. Before going upstairs, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at kinuha ko ito mula sa aking bulsa.
Pagtingin ko sa screen ay mayroon na palang limang messages at hindi ko alam kung kaninong number itong nagtetext sa 'kin. I let out a deep sigh.
Unknown: HI!
Unknown: Gising ka na?
Unknown: Papunta ka na bang school?
Unknown: See you there!
Unknown: Nakarating ka na pala :)
Napakamot ako sa ulo ko at napatingin sa kisame. Nakita ko 'yong cctv na nakatutok dito sa kinatatayuan ko.
"Aish! Ipinamigay na naman ba ni Kira 'tong new number ko?" inis kong tanong sa sarili ko, kaya naman ay pinindot ko 'yong inbox ko kay Kira at nag-type ng message.
Me: Hindi relief goods 'tong number ko para i-share mo sa ibang tao, kaya nga ako nag-new number ulit eh! Kainis ka naman!
I, again, let out a deep sigh. Isinuksok ko sa bulsa ang phone at humakbang paakyat ng hagdan patungo sa second floor. Nandito ako sa senior's building at kaninang nandoon ako sa ground, rinig na rinig ko na ang kaingayan ng mga balahurang mga seniors. Para silang walang manners. Nang makaapak ako sa second floor ay muli kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko.
'Ipaliwanag mong maayos sa 'kin, Kira, kundi malilintikan ka talaga!.' Banta ko sa kanya sa loob ng isipan ko. Kinuha ko 'yong phone ko at napahinto sa gitna ng hallway kung saan ay busy ang lahat sa paglagpas sa akin.
Kira: Nah! Ba't ako ang sinisisi mo? Wala naman akong kinalaman diyan eh!
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
Teen FictionCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...