Chapter 7 - Post

229 14 1
                                    

Chapter 7 Post

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7
Post

Champ's Point of View

Thursday later, pina-park ko ang kotse ko rito sa parking lot nang makita ko ang mga nag-aabang sa akin sa labas. Inis ko silang nirolyahan mula rito sa loob, tsaka ako lumabas.

'Tsk!'

"Buti naman at dumating ka na?" untag niyong si Patrick na nakaupo roon sa harapan ng kanyang sasakyan. Lumakad siya na sisiga-siga papalapit sa akin. Nakapamulsa ko siyang tiningnan.

Ngisi niya akong tinitigan sa mga mata habang ngumunguya ng bubble gum.

"Ano na naman ba 'to?" inis na singhal ko.

"Mukhang mainit ulo mo ngayon?" ngisi pa niya tsaka naglakad-lakad sa harapan ko. nakabantay naman ang mga kasama niya, mga lima silang lahat kasama na roon si Patrick.

Humakbang ako kaso hinarang niya ako dahilan upang magngalit ako sa inis.

"Hindi ka ba nagsasawa?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Hahaha! Bakit naman ako magsasawa? Actually, sobra akong nag-eenjoy sa'yo!"

'Tss! Baliw!'

"Wag niyo nga 'kong ginugulo kung ayaw niyong pag-uuntugin ko kayo!" galit na usal ko. Tumabi sila sa daraanan ko.

"Init talaga ng ulo mo, 'di ka naman mabiro e!" tawang usal ni Patrick sa 'kin.

"Gunggong ka talaga!"

"Haha! Oo nga pala, may meeting daw tayo mamaya sabi ni coach!" sabi niya ng may kalayuan sa akin. Nilingon ko sila.

"Sige kita na lang maya..." usal ko.

"Ge! Bro!"

May topak na naman sa bungo 'yong isang 'yon. Tropa ko silang lima at nakilala ko sila dahil sa baseball.

Nang nasa quadrangle na 'ko ay nakita ko si Ken na mag-isang naglalakad, habang hawak ang strap ng kanyang bag.

Palihim ko siyang sinundan, nakangiti akong pinagmamasdan ang mabagal niyang paglalakad. Napakahinhin naman masyado 'tong maglakad.

Bigla siyang napahinto kaya bigla rin akong napatalikod. Sumipolsipol ako at tiningnan ang mga kalapit na puno.

"Sinusundan mo ba 'ko ha?"

Nilingon ko siya at nakitang nakapamewang.

"Ikaw? Sinusundan ko? Bwahaha!" tsaka ako naglakad at nilagpasan siya.

"Toothpick!"

"Ano? Ako toothpick?" nilingon ko siya na may nakakalokong tingin.

"Assuming? 'Di naman kita kausap a!" singhal niya, nilapitan ko siya dahilan upang hindi mapakali ang kanyang mga mata.

Heart Over Mind (BXB) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon