Chapter 21
KissTroy’s Point of View
Kinabukasan, magkasabay na kaming pumasok ni Seb sa school dahil pareho lang naman kami ng apartment na kinalalagyan. I just knew it because inamin niya sa akin noong nagkasakit ako.
Not knowingly, nagkakasalisihan lamang pala kami kaya hindi kami nagtatagpo rito.
“Bakit kaya hindi nagre-reply sa mga text ko si Ken? Napaano na kaya ‘yon?” I asked while naglalakad kami ni Seb dito sa quadrangle.
“Baka busy sila ni Champ sa practice,” sagot ni Seb na nasa tabi ko, he is wearing again his hoody jacket.
“I texted Champ at hindi raw nagre-reply si Ken sa kanya simula kahapon,” saad ko.
“Hmm,” Seb sighed, napapalapit na siya sa sikat kong mga kaibigan nang dahil sa akin.
“Anong iniisip mo?” I asked at him, we halted for awhile.
Sinuksok niya ang kamay niya sa bulsa ng jacket niya at ngumiti.
“If tama ako, baka nagkakatampuhan itong dalawa,” usal niya.
“Ewan,” usal ko.
Napapadalas na ang pag-uusap namin ukol sa relasyon ng dalawa kong kaibigan. Napalingon ako sa likuran namin ng marinig ko ang boses ni Kira.
“Love Birds! Good morning!” she greeted.
“Good morning, at ikaw ‘wag mo kaming matawag-tawag na love birds dito sa school!” suway ko. She pouted and then rolled her eyes. Sarap dukutin e.
“Paki mo ba! E gusto ko kayong tawaging love birds e, bakit kinakahiya mo ba itong si Seb? Ha? Kung oo, akin na lang siya!” anya na nagsisigaw na kulang na lang ay lumabas na ang lungs niya.
“Aish! Wala nga rito ‘yong dalawang maiingay, ikaw naman itong pumalit, tsk!” napapailing na usal ko.
“Hoi! Sinasabi ko sa’yo, mas maingay ‘yong dalawa na ‘yon kaysa sa ‘kin ‘no!” hasik niya.
“But for me, mas maingay ka,” I spoke insistently.
“Aba’t!”
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
Roman pour AdolescentsCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...