Chapter 19
FateTroy’s Point of View
Hindi ko namalayang umuwi pala si Ken, at si Champ ay hindi ko alam kung nasaan. Tinanong ko si Kira subalit hindi rin niya alam kung saan nagtungo si Champ maliban kay Ken.
Alam ko kung ano ang attitude nilang dalawa kapag alam nilang may problema sila. Si Ken umuuwi ng bahay nila at matutulog habang si Champ naman ay pumupunta sa sikretong lugar, hindi niya ‘yon sinasabi sa akin.
“Ano kayang nangyayari sa dalawang ‘yon? Bigla-bigla na lang kasing naging ganoon!” si Kira na nakahalukipkip. Naglalakad kami rito sa hallway, lunch time na rin kasi. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala.
“Hindi mo ba sila nahahalata?” asked Sebastian.
“Nahahalatang ano?” walang alam na tanong ni Kira habang naka-kunot noo.
“Ang alin?” maang-maangan ko naman habang sinasabayan sila sa paglalakad.
“Hmm, tiyak may something na sa dalawang ‘yon,” Seb pointed out.
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Kira.
“Kyaaaaahhh! Oo nga ‘no! Ba’t ‘di ko ‘yon napansin? OMG!” tili niya.
“Wag ka nga maingay, hindi pa naman tayo sure kung ganoon nga talaga,” suway ko kay Kira tsaka niya ako inismiran.
“E kayo? Anong balita sa inyong dalawa?” tanong niya sa amin ni Seb dahilan upang mapaismid ako at mapalunok.
Naalala ko noong nagkasakit ako, noong binantayan niya aako, pinakain, binihisan at kung anu-ano pa ay doon ko narealize na mabuting tao si Seb. Siya ‘yong taong dapat kinakalinga at pinahahalagahan.
Naalala ko ‘yong mga katagang binitawan niya sa akin sa mga oras na iyon.
‘Paano mo masasabing nagugustuhan mo ang isang tao?’
Iyan ang itinanong niya sa akin. Kaya sinagot ko siya, sabi ko, “Kapag nagugustuhan mo ang isang tao, kahit na ilang ulit ka pang ipagtabuyan ay mananatili ka sa tabi nila. You care for them kahit na wala silang pakialam sa’yo. Gusto mo sila not expecting to be liked back, dahil ‘yon nga ang rules, if you like someone, kalayaan mo ‘yon dipende na lamang kung ang taong gusto mo ay may pagtingin din pala sa’yo.”
BINABASA MO ANG
Heart Over Mind (BXB) ✓
Teen FictionCOMPLETED! (Published under Chapters of Love Indie Publishing House) Blurb: Hindi sukatan ang kasarian upang magmahal. Lagi mong tatandaan na malaya kang magmahal pero 'yang puso mo kailangan mong ingatan at protektahan. Kung kailangan mong sumugal...