Synopsis

681 28 11
                                    

This will be the PASALAYSAY Nor POV. Depende na lang HAHAHA!
Thank you sa nakagets! Chaar!
Enjoy reading!

Synopsis

Nakatingin si Archelly sa hawak niyang ticket. Ticket para sa isang banda na ibinigay sa kaniya ng kaibigang si Press. Iniabot iyon ng babae kahapon matapos ang kanilang klase. Nagaaya kasi itong manuod ng paborito nitong banda sa isang sikat na bar. Noon una ay hindi nagaalangan siyang tanggapin ang ticket. Hindi dahil ayaw niya kundi wala naman talaga siyang hilig magpupunta sa mga bar.

Sa nakalipas na dalawang taon. Marami ang nagbago. Ang pangyayari noon sa TA ay mabilis na humupa sa tulong ng SSG Officer. Kung hindi titigil ang pangbabash kay Archelly ay mapipilitan ang Dean na makipagusap sa Head ng buong campus na ipasuspende ang lahat ng nagbabantang manakit sa babae.

Dalawang taon na ring ang nakakalipas mula ng umalis si Ryu pabalik ng Japan. Pagkatapos ng isang linggong bakasyon at pagbalik nito sa Pilipinas ay muli ding itong umalis pabalik uli ng bansa nito. Nagkaroon ng hindi inaasahang trahedya sa pamilya nito sa Japan. Bumalik ito ng bansa kahit labag sa kalooban. Ngunit nangako ito kay Archelly na babalik uli kapag natapos ang nasabing problema. Pero lumipas na ang isa...dalawang linggo ay hindi paring nakakabalik ang binata.

Labis-labis ang kalungkutan ni Archelly ng mga panahong wala ang binata. Ito lang kasi ang madalas niyang nakakasama sa tuwing na sa bahay nila siya. Kahit madalas silang magkapikunan at mag-away gayunpaman ito pa ring ang lagi niyang sandalan sa tuwing nalulungkot siya. Nasanay na siyang laging andyan ang binata.

Minsan, May tumawag sa kaniya at agad niya iyon nabosesan. It was Ryu. Tumawag ito upang ipaalam matagal itong makakabalik ng bansa nila. May kaunting pagtatampo siyang nadarama pero kalaunan inintindi niya sa binata. Mukhang malalim ang pinagdadaanan ng pamilya nito. Ngunit nangako ang binata kay Archelly. Babalik ito sa oras na matapos ang problemang kinakaharap ng pamilya. Babawi ito sa kaniya pagbalik.

Ngunit sa pagbabalik nito ay siya naman ang pagbabalik ng taong matagal na niyang ibinaon sa nakaraan.

Ang First love at ang first Heartbreak niya!

Nagbalik ang nagiisang lalaking pumukaw sa kaniyang damdamin. Ngunit, siya ring nanakit.

Hindi niya alam kung paano muli pakikitunguhan ang lalaking matagal na niyang kinalimutan kaya naman mas minabuti na lamang niyang iwasan ito sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas.

Pero gayon na lamang ang pagtataka niya dahil sa tuwing iiwas siya rito ay siya naman ang paglapit ng lalaki! Kung nasan siya ay naroon din ito! Kahit saan yata siya magpunta ay naroon ang lalaki!

Hindi niya alam kung pinagtitripan lang ba siya ng tadhana o ito lang ang may trip sa kaniya!

Pero gayunpaman ay namimis pa din niya ang presensya ng lalaki kahit pa sinaktan siya nito.

Magawa pa ba niyang makapagpocus sa kaniyang pagaaral kung may isang lalaking nagpapagulo sa kanyang isipan?

Pero hindi niya hahayaan mangyari 'yon!

Kahit anong mangyari hindi na siya magkakagusto sa lalaking minsan ay sinaktan ang damdamin niya! Kahit sabihin pang hard to get siya ngayon ay wala siyang pakialam!

Pero, Paano kung sa isang iglap ay muling bumalik ang nararamdaman niya sa binata? Anong gagawin niya? Muli na naman ba siyang magpapasilo sa nakakabaliw na damdamin niya noon?

"I miss you, Archelly. Did you miss me?"

"I miss you too Gray..."

Oh no!

NASSEHWP

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now