Chapter 3

263 26 24
                                    

Chapter 3

THIRD PERSON 🌩️

Katatapos lang magentrance exam ni Archelly at kasulukuyan na niyang ibinabalik sa loob ng kaniyang bag ang mga ginamit na ballpen at notebook. Pagkatapos n'on lumabas na siya ng library doon kasi siya pinagexam kasama ang iba pang nagenroll.

"Tapos ka na?" Kaagad na tanong sa kaniya ni Thea nang makalabas ng library. Tumango siya at agad na sumulyap sa pinsan ng babae. May nakasubong lollipop sa bibig nito.

Parang bata -.-

"Hindi na siya nagtatampo?" bulong niya kay Thea at pasimpleng sumulyap uli kay Rian.

"Hindi na. Lollipop lang naman ang katapat ng isang iyan." Mahinang bulong din nito sa kaniya at marahang natawa.

Natawa din siya. Dapat pala bumili siya ng isang katerbang lollipop para pag nagtampo ang isang ito ay bibigyan niya agad ng isa.

"So, tara na? Hanapin na natin ang magiging room mo?" Wika ni Thea.

Marahang siyang natawa.

"Sa pasukan pa malalaman kung aling room kami. Excited ka masyado." Natatawang sambit niya rito.

"Ganon yata kapag hindi ikaw ang nasa lugar. Haha."

"Siguro, Mas okay kung maglilibot na muna tayo sa buong campus para malaman mo ang pasikot-sikot rito at hindi ka maligaw kapag magisa kana." Suhestyon ni Thea sa kaniya.

"Agree! Libutin na muna natin itong campus. Kunwari, Kami muna ang tour guid mo at ikaw ang turista." Natatawang segunda naman ni Rian ng marinig ang suhestyon ng pinsan nito.

"Mabuti pa nga." Aniya. "Tara! Maglibot-libot na tayo." Siya na ang nagaya sa magpinsan.

Sa isang malawak at madamong field sila unang dinala ng kanilang mga paa. Hula niya doon ginaganap ang larong baseball at soccer. Naglakad uli sila papuntang basketball court. Malaki at maluwang na may makinis na floor. Matataas ang bleacher na kulay dilaw. Mataas ang dalawang magkabilaang ring at kung susumahin para bang pang sampung footer ang taas niyon. Siguro matatangkad ang mga manlalaro ng basketball roon kaya ganon na lang kataas.

Pagkatapos nila roon ang mga room naman ang sinunod nilang pinuntahan.

Bawat room ay may tig-sinkwentang upuan. Sa harapan noon ay may isang mahabang white board. At mula sa bintana ay nakikita ang kabuuan ng campus.

Pagkatapos sa mga classroom sa laboratory naman sila nagpunta.

Manghang-mangha siya sa nakita pero dagli din niyang binawi ang nasa isip ng makita ang isang nakatayong skeleton sa may gilid at nagmadaling umalis roon.

Kung saan-saan sulok pa ng campus sila nagpunta at nagikot-ikot. At nang mapagod ay tumambay na muna sila sa ilalim ng malaking puno ng nara kung saan may mahabang upuan de kahoy at kinuluyan ng chocolate brown.

"Grabe, Nakakapagod!" bulalas ni Rian ng makaupo at sanay na naginat ng mga braso at binti.

"Sinabi mo pa. Feeling ko tuloy hindi ako makakalakad bukas." Segunda naman ni Thea habang inuunat-unat din ang dalawa nitong binti.

Ginaya niya ang ginawa ng magpinsan. Naginat-inat din siya ng mga braso at binti.

"Siguro pagkatapos nito ay umuwi na tayo." aniya habang nakatanaw sa nakahilerang classroom mula sa 'di kalayuan sa kanila. Nanggaling na sila roon kanina.

Tumango ang dalawa at pinagpatuloy ang pagiinat.

Bigla siyang natigilan ng makita ang papalapit na grupo ng mga kalalakihan.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now