Chapter 20

249 26 32
                                    

Chapter 20

POV ARCHELLY

Katatapos lang namin maglinis ng classroom kasama ang dalawang kong kaklase sina Sacha at Jingle. Mababait at kimi ang dalawang babae. Hindi sila mataray katulad ng iba namin kaklase.

Pinupunasan ko na ngayon ang white board. Pagkatapos non ay sunod ko na ring inayos ang mga armchair namin. Iyong dalawa nakapagtapos na ng basura at kababalik lang.

"Pwede na tayong umuwi tutal tapos na tayong maglinis." Anang Sacha ng mailagay sa bawat dulo ang trash can.

"Oo nga Chells, uwi na tayo baka inaantay na rin ako ni nanay ko sa bahay." wika naman ni Jingle na siyang kakadampot ng bag niya sa upuan nito.

Napatitig ako sa kanya. Mahaba ang buhok niya na kumikinang sa sobrang itim. Ang balat niya ay hindi gaanong kaputian pero bagay na bagay sa kanya. Iyong mga mata niya singkit at ang ilong hindi naman pango hindi rin naman matangos pero magandang tignan. Balita ko din scholar daw siya. Siya ang madalas magrecite sa recitation sa lahat ng subject namin.

"Oo nga Archelly, Halika na umuwi na tayo."

Tumango nalang ako sa dalawa at kinuha ang bagpack ko sa upuan at saka sinukbit sa balikat ko.

Sabay-sabay na kaming lumabas pero pagkarating sa hallway at naghiwa-hiwalay na kami may dadaanan pa raw sila kaya magisa nalang akong naglakad palabas ng gate.

Kumunot ang noo ko nang makita si Gray sa labas ng gate. Prente itong nakasandal sa sasakyan niya habang abala sa hawak nitong cellphone at may pangiti-ngiti pa.

Kaagad kong binalingan sa ibang dereksyon ang paningin ng mapansing magaangat siya ng paningin.

"Hey, Archelly!"

Bakit na naman kaya!

"What happened to you? Bakit ang dungis ng mukha mo?" kaagad na salubong niya sa akin matapos niyang ibulsa ang telepono niya at tinignan ako sa mukha ng may pagtataka.

Napanguso ako. Kaagad naman siyang nagiwas ng tingin.

"Don't use that."

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nakatingin ako sa mukha niya. Dumaan na ang hapon pero mukha parin siyang fresh. Ni hindi ko man lang nakitaan ng pagod sa mukha nito.

Ang gwapo pa rin!

"That pouting."

Lalong akong nagtaka.

"Eee? Bakit panget ba akong tignan?"

"No!" Mabilis na sagot niya.

"E bakit ka sumisigaw? Pwede mo namang sabihin ng mahinahon eh!"

"Sorry, nabigla lang."

Napanguso ako.

"T-teka anong gagawin mo?" Nagtatakang tanong ko ng umangat ang isa niyang kamay at dinampi ang palad niya sa pisngi ko.

"Don't look at me like that I might think that you want me to do something now." Wika ni Gray.

Naginit ang mukha ko.

"Ano bang pinagsasabi mo saka ano bang ginagawa mo sa pisngi ko?" Namumulang tanong ko. Nagsimula na ring magrambolan ang dibdib ko.

Bahagya siyang natawa ng mahina.

"Inaalis ko lang ang dumi sa mukha mo."

Hinawi ko ang kamay niya.

"Ako na. May panyo naman ako eh." Asik ko kunwari upang maibsan ang pamumula ng mukha ko.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now