Chapter 1

425 34 9
                                    

Enjoy! Reading!

Chapter 1

Kanina pa nagaantay si Archelly sa magpinsan. Nakailang order na siya ng siomai ngunit hindi pa ring dumarating ang hinihintay.

Bakit ba ang tagal ng magpinsan na iyon? Tutubuan na ako ng ugat dito pero hindi pa rin sila dumarating! Hays!

Nakasimangot niyang dinampot sa gilid ang kanyang backpack at binuksan ang zipper non at inilabas mula sa loob ng bag ang lecture notebook niya noong fourth year highschool pa siya.

Makapagreview na nga lang muna! Para may stock knowledge.

She already graduated in Highschool. Mabilis lang ang panahon kaya magka-college na siya.

She has no idea about collegeus. Ang alam lang niya ay pahirapan sa research. Balita pa niya puro printed volume or xerox copy nakalagay ang mga pagaaralan nila. No books. No explanation. You will learn in your own way.

Akmang bubuklatin na niya ang kanyang lecture notebook ng humahangos naman na pumasok mula sa bulwagan ng cafeteria ang kanina pa niyang hinihintay.

She sighed and closed her lecture notebook.

"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako dito ah, Sabi niyo agahan kong pumasok para 'di tayo mahuli sa enrollment tapos kayo naman pala ang malelate." Sita agad niya sa magpinsan na ngayon ay nasa harapan na niya at parehong nakaupo sa bakanteng upuan.

"Sorry Chell, Tinanghali na kasi kami ng gising kaya nahuli kami." kakamot-kamot na sabi ni Thea.

"Totoo iyon. Tinanghali talaga kami ng gising." Segunda naman ni Rian.

Napabuga na lamang siya ng hangin.

"Bakit kayo napuyat? Nagomegle kayo 'noh?" Tanong niya sa kanila.

Nagkatinginan ang magpinsan at sabay din na ibinalik ang tingin sa kaniya at parehong umiling.

"Hindi ah!" magkapanabay pang sambit ng mga ito.

Kusang umangat ang kilay niya.

"Hindi nga Archelly! Napuyat kami dahil—" Hindi natapos ng dalagang si Rian ang sinasabi ng mapansin ang nagaantay siya ng sagot rito. "N-nanuod kasi kami ng Kpop movie!"

"Oo! Nanuod kami ng kpop movie kaya napuyat kami at tinanghali ng gising." Segundang sabi naman na iyon ni Thea.

Napailing siya sa dahilan ng mga ito.

"Sa susunod ako naman ang tatanghaliin ng dating para naman maranasan niyo ang pagaantay." Aniya sa dalawa.

Napapahiyang napayuko ang magpinsan.

Ngayon ang araw ng pagbubukas ng enrollment para sa mga magkokolehiyong gaya niya. At pinakiusapan niya ang dalawang magpinsan na samahan siya since ang dalawang ito naman ang namilit sa kaniyang magenroll ng maaga. Ang plano niya kasi ay saka na siya mageenroll kapag pangalong linggo na ng enrollement pero dahil makulit ang dalawa hindi na siya nagpapilit pa. Pumayag na lang siya para hindi na siya kulitin nang kulitin ng magpinsan. Siya ang magkokolehiyo pero mas excited pa ang mga ito sa pageenroll.

Dalawang taon na ang nakakalipas mula ng magtapos siya ng Middle High. Walang patid ang sayang naramdaman niya ng mga panahong iyon.

Hindi man kompleto ang kanyang magulang para samahan siya sa kanyang pagtatapos ng highschool ay naroon naman ang mga kaibigan niya para samahan ang kaniyang ina sa pagtanggap ng diploma.

May parteng nalungkot din siya dahil wala ang isa sa mahahalagang tao sa kaniyang graduation day. Si Ryu. Hindi ito nakapunta sa kanyang graduation dahil nasa Japan pa ring ito at hanggang ngayon hindi pa nakakabalik ang lalaki.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now