Chapter 17

188 26 7
                                    

Chapter 17

THIRD PERSON

Kanina pa hindi mapakali ang pwetan ni Archelly sa upuan niya. Tila para bang sinisilaban ng apoy. Panay din ang lingon niya sa pintuan ng kanilang classroom. Hindi niya alam kung bakit. Hindi rin maalis sa isipan niya ang lalaking nakita niya sa market. Dalawang araw ng nakakalipas mula ng makita niya ang pamilyar ng bultong iyon.

Napasulyap siya sa katabi niyang upuan. Bakante pa rin.

Bumalik uli ang kaniyang paningin sa may pinto. At Agad siyang napasimangot ng pumasok ang kinaiinisan niyang grupo.

Dere-deretso ang mga itong pumasok. Huminto pa sa harapan niya ang leader ng grupo at ngumisi sa kanya.

"What a nice morning." nakangising sambit ni Vangelo sa kaniya.

Umirap siya.

Ang aga-aga para mangasar na naman ang isang ito!

"Pwede bang umalis kana sa harapan ko? Istorbo ka eh." Pagtataray niya rito.

Pero hindi nagpaapekto ang binata sa pagtataray niya. Sa halip mas lalong lumapad ang ngisi sa mapupulang labi nito. At siya naman ay mas lalong nainis lalo na ng maupo ito sa bakanteng upuan na katabi ng upuan niya.

"Ang aga mo naman magtaray. Meron ka ba?" Tanong pa ng binata at binuntutan ng nakakalokong tawa.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Pwede ba?! Umalis ka nga diyan!"

Tinawanan lang siya nito kaya naman lalo siyang naasar.

"You know what? You are the girl I want to stay in my life."

Bigla siyang nabingi sa narinig.

"Anong sabi mo?!"

"Gusto mong ulitin ko ang sinabi ko?" nakakalokong sambit nito. "Maririnig nila, sige ka." Wika pa nito at tumingin sa paligid.

"Hindi na! Hindi ko na kailangan marinig uli!" Angil niya.

"Ang taray talaga."

"Wala ka talagang magawa sa buhay mo 'noh?" Sarkatiskong sambit ni Archelly.

Nakangising umiling ang lalaki.

"Kapag kaharap ka, Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Umakto siyang nasusuka.

"Kadiri ka! Ang corny mo!" Punla niya sa sinabing iyon ni Vangelo.

"Bro, Corny mo pala HAHAHAHA"

"Tunguno! Panes ka pala eh!"

"Uwi na yan!"

"Mga gago! Manahimik nga kayo diyan!"

Tumagilid paharap sa kaniya ang binata. Pumalumbaba pa ito.

"Alam mo ang ganda mo. Bagay tayo,"

"In your dream Mr. Thompson."

"You don't like me?"

Tumaas ang isang kilay niya.

"Hindi ba halata?"

Umiling si Vangelo.

"No?"

"Then, It's up to you kung hindi ka maniwala."

Natawa ng mahina ang binata.

"Hard to get ka ba?"

"Hindi." Pokerfaced na sagot ni Archelly.

"So pakipot lang?"

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now