Chapter 4

244 23 11
                                    

Chapter 4

POV ARCHELLY

Pagkapasok sa loob ng bahay agad na sumalubong sa akin ang isang batang lalaki. May hawak itong isang laruang robot.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Leon, baby!" bulalas ko at mabilis itong niyukuan. "Nandito ka! Sinong kasama mo?" tanong ko sa bata pagkayakap ko.

"Si Momma at Dada po, Nyinang." nakangiting sagot nito sa akin at saka nito tinaas ang maliit at payat na brasong may hawak na robot. "Look at this, Nyinang Oh, Dada bought me this po." Tuwang-tuwa nitong sambit habang pinagmamalaki sa harapan ko ang laruan niyang robot na ibinili daw ng Dada nito.

Pinanggigilan ko ang matangos nitong ilong. Gwapo-gwapo kasi talaga ako sa batang 'to. Manang-mana sa magulang. Magdadalawang taon na si Leon kaya nakakapagsalita na pero bubulol-bulol pa rin at medyo pabebe at nagpapacute kapag ako na ang kaharap. Ang ganda ko kase. Charr!

"Uy Archelly, andyan ka na pala."

Awtomatikong nailipat ang paningin ko sa babaeng kalalabas mula sa kusina. Ang Mommy ni Baby Leon. May bitbit itong isang pitchel ng orange juice.

"Napadalaw yata kayong magina. Anong meron?" Nagtatakang tanong ko rito. Ginulo ko muna ang buhok nu Baby Leon bago pagpasyahang tumayo at igiya papuntang sofa. "Dito tayo, baby gawin nating yaya ang Mommy mo." Pabirong sabi ko sa bata.

"Namimis ka raw ni Baby Leon kaya nagayang magpunta rito." Paliwanag ni Press pagka sulyap sa batang nakaupo na sa ibabaw ng mga hita ko at naglalaro roon ng robot niya.

"Talaga ba Baby Leon? Namis mo ako kaya ka nagayang magpunta dito?" Manghang tanong ko sa bata habang may ngiti sa mga labi.

"Mmm..." paungol na sagot ni Baby Leon.    

"Sige naniniwala na ako." Malapad ang ngiting sabi ko.

"O siya mamaya na iyang bolahan niyo magmeryenda na muna kayo at baka nagugutom na ding itong poging apo ko." Wika ni Mama saka inilapag sa ibabaw ng center table ang dala-dalang meryenda at kinuha sa akin si Baby Leon. "Heto ang cake apo bagong baked ito." anito sa bata.

Pinanuod namin kung paano pakainin ni Mama si Baby Leon. Tuwang-tuwa ito kapag naroon ang bata. Pakiramdam raw kasi nito ay bumabata siya.

Nanguha na ring ako ng isang slice ng cake sa platito at nagsimulang kainin iyon.

"Kumusta nga pala ang pageenroll mo, Anak? Natapos mo ba?" mayamayang narinig kong tanong ni Mama sa 'kin.

"Natapos na po Mama pero sa pasukan ko pa po malalaman kung aling section ako." paliwanag ko matapos nguyain at lunukin ang sinubo kong hiwa ng cake. Sinubuan ko rin si Baby Leon. "Sarap, baby?"

Tumango lang ito habang ngumunguya at hindi tumitingin sa akin abala kasi ito sa paglalaro ng robot.

"Mabuti naman at natapos mo. Aba'y mahirap ang mahuli sa pageenroll ngayon. Karamihan sa mga University ay hindi na tumatanggap kapag late ng makapagenrol ang isang estudyante."

"Oo nga ho Tita,"

"Ikaw Iha Press? Nakapagenroll ka na din ba?" Baling ni Mama sa babae.

"Tapos na po Tita. Through to online po ako nagenrol para less hassle." Sagot ni Press kay Mama.

"Through to Online? Pwede ba 'yon?" Nagtatakang anas ko habang na kay Press ang paningin.

Tumango-tango siya.

"Oo. Hindi ba't nasabi ko sa 'yo ang tungkol roon? I even invited you too para hindi kana pumila pa kaso ang sabi mo ay mas gusto mong magenroll sa mismong school dahil gusto mong makita ang itsura ng campus." She explained.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now