Chapter 8

248 24 16
                                    

Chapter 8

ARCHELLY

Nandito ako ngayon sa hallway malapit sa may gate. Doon ko inaabangan ang pagdating ni Press. Iyon kasi ang usapan namin nong nakaraan gabi ng magusap kami sa telepono. Maaga akong umalis ng bahay dahil kailangan ko pang hanapin kung alin section ako nabibilang.

Sana magkaklase kami ni Press.

Napasulyap ako sa suot kong relo. Magse-seven fifteen na pero wala pa ang babae.

Siguro ay napuyat sa pagbabantay kay Baby Leon.

Napatingin ako sa entrance kung saan isa-isang nagsisipasukang estudyante.

Lahat sila ay blooming tignan. May mga nakausong gupit sa mga babae. Sa mga lalaki naman ay clean cut. Mga bagong kagamitan, Mula sa suot hanggang sa sapatos na mangintab-ngintab pa. Mukhang pinaghandaan nila ng mabuti ang pagpasok sa buwang ito.

"Archelly, Here!"

Kaagad na dumapo ang tingin ko sa isang babaeng kakababa lang ng mamahaling sasakyan at kumakaway sa akin.

Si Press!

Napatakbo ako sa kinaroroonan nito.

"Mabuti naman at nakarating kana. Akala ko mamaya ka pa darating eh!" Sambit ko habang pinagmamasdan ang itsura niya.

Ang ganda-ganda talaga niya parati. Ano kayang sekreto niya?

"Actually, Mamayang 9am pa sana ako papasukin ni Leo pero hindi ako pumayag dahil first day natin 'to! Dapat first day of school good ang record!" Untag niya.

Napangiwi ako. Siguro ay naglalambing na naman si Kuya Leo sa kaniya kaya ayaw siyang papasukin ng maaga.

Napansin ko ring hindi ang lalaki ang naghatid sa kaniya kundi ang matandang driver na si Mang Tebang.

"Kung si Leo ang hinahanap mo hindi siya ang naghatid sa akin. Naiwan siya kay Baby Leon." Anito ng mapansin hinahanap ko ang asawa niya.

Tumango-tango ako.

"Mang Tebang, Pwede na po kayong umalis. Pakisabi sa asawa ko huwag niyang pabayaan ang anak namin kundi lagot siya sa akin!" Bilin pa nito sa matandang drayber.

Natawa naman si Mang Tebang sa tinurang iyon ni Press.

"Sige ho Ma'am, Makakaabot po kay Siñorito." Wika ng matanda bago paandarin uli ang nagmaniobra ng paalis.

Pumasok na kami sa loob ng campus at dumeretso sa bulletin board kung saan malalaman namin kung alin section kami nabibilang.

Nakanguso kaming pareho ng malaman hindi kami magkaklase.

"Ano ba 'yan bakit tayo magkahiwalay?!" Reklamo ni Press habang nakasimangot na nakatingin sa bulletin board.

"Hindi kasi tayo sabay nagenroll kaya ayan tuloy hindi tayo magkaklase." Nakangusong sambit ko.

Nagpapadyak siya sa semento kaya naman ang ilang mga estudyante roon ay napapatingin sa kaniya.

"Tara, Magenroll uli tayo!"

Napatanga ako.

"Ha?"

"Nah."

"Aaah."

Mayamaya ay nagpakawala siya ng marahas na hininga. Mukhang hindi niya gusto ang ang ideyang magkahiwalay kami ng section.

"Okay fine! At least magkasama tayo sa iisang school pero sa susunod na semester I will make sure na magkasama na tayo sa iisang section!" Bulalas nito.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now