Chapter 13

205 28 15
                                    

Chapter 13

Kasulukuyang naglalakad papasok si Archelly at ilang hakbang na lang ay nasa T.U.C na siya.

Pagtapak niya sa entrance gate ay may brasong pumatong sa kanyang balikat kaya naman kunot-noong napalingon siya sa may-ari ng brasong iyon.

Mabilis niyang inalis ang braso sa balikat niya at sinamaan ng tingin ang nagmamay-ari non.

"Ikaw na naman?! Ano na naman ang kailangan mo?!" Pagtataray niya kay Vangelo na siyang umakbay sa balikat niya.

"E ano kung ako na naman? May problema?" nakangising sambit ng lalaking kaharap.

Nagtagis ang mga ngipin niya.

Sa halip na singhalan ito ay mas pinili na lamang niyang talikuran. Magmumukhang tanga lang siya kapag pinatulan niya ang hambog na lalaki!

"Hey! I still talking to you!" Pahabol pa ng lalaki.

Hindi niya ito pinansin ng sumabay pa ito sa paglalakad niya.

"Ang sungit mo naman ngayon, May dalaw ka 'noh?"

Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin.

"Bakit ang daldal mo ngayon? Close ba tayo? Hindi ba enemy tayo?" Basag niya rito at saka ito inirapan ng bongga.

Ngumisi ang lalaki.

"Hindi ba pwede?"

Umingos siya. Nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam parin niya ang pagsabay ng lalaki sa kaniya.

"Alam mo kapag nakikita kita parang mas nagiging exciting ang araw ko." Narinig pa niyang anas ng binata.

"Buti ka pa exciting ang mga araw mo. Ako kasi worst than that." She said, Sarcastically.

"Ows? Talaga ba?"

Hindi niya pinansin ang nakakabwesit na pangaasar ng tono nito.

Pagdating niya sa kanilang classroom naupo agad siya at hindi pinansin ang mga kaklase. Pero nagsalubong ang mga kilay niya ng makitang nakatayo sa harapan niya ang lalaking kasabay sa paglalakad. Nakapamulsa ang dalawang mga kamay sa magkabilang bulsa ng slacks habang nakangising nakatingin sa kaniya.

Naiiritang tinignan niya ito.

"Ano bang kailangan mo? May sasabihin ka ba?" Iritadong tanong niya kay Vangelo.

Halos mapansingap siya ng bigla siya nitong yukuan at inilapit ang mukha sa kaniya.

"A-ano bang ginagawa mo?!" Kandautal na asik niya rito at pilit na inilalayo ang sariling mukha.

His lips form into smirk.

"I just want to say that you are—"

"Ano na naman?!" Naiinis na talagang sabi niya.

"Lucky today." Pagtatapos nito sa sinasabi kanina.

"Sana totoo 'di ba?" She rolled her eyes as she said that. "Ang kaso nasa harapan kita kaya hindi na 'yong swerte kundi kamalasan na." Matabang na sabi pa niya.

"You're amazing but—Hoy Bro, Anong ginagawa mo? Nanliligaw ka? Aba! Aga yan ah!" Singit ng isang boses mula sa pinto.

Napatiim-bagang ang lalaking kaharap dahil naputol ang sasabihin sana nito.

"Shut up!" Singhal nito at inis na umalis sa harapan niya at padabog na nagtungo sa sariling upuan.

Noon naman napatingin siya tatlong lalaking kapapasok lamang. Napakunot pa ang noo niya ng may makitang pamilyar na mukha.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now