Chapter 14

215 28 5
                                    

Chapter 14

POV ARCHELLY

Ilang beses akong napapalunok sa tuwing nakikita ko sa sulok ng mga mata ko ang lalaking katabi ng upuan ko! Bakit ba sa dinadami ng upuan pwede siyang maupo ay sa tabi ko pa! Pwede naman sa iba eh.

Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko para kunwari ay may titignan.

Pero kaagad ko din iniiwas ang mga mata ng bigla siyang gumalaw.

Sheyte! Muntik na!

Magmula ng matapos ang pagpapakilala niya kanina ng sarili hindi na ito namansin pa na kahit kanino kahit pa na todo papansin ang iba kong kaklaseng babae.

At kahit ako ay hindi niya pinansin.

Parang bumalik ang lahat sa dati. Hindi ako kilala.

Tumingin ako sa harapan kung saan abala sa pagsusulat sa white board ang Professor namin.

Inilabas ko ang ballpen at notebook ko. Magsusulat na lang ako ng lecture kaysa magisip ng kung ano-ano.

Habang nagsusulat ako ay hindi ko parin maiwasang silipin sa aking sulok ng mga mata ang lalaki.

Dalawang taong ang nakakalipas na hindi kami nagkita at heto nakikita ko ang malaking pagbabago sa kaniya.

The intimidating look. The body built. Mas lumapad at lumaki ang pangangatawan. Ngunit ang pakikitungo nito sa iba. All of it are still same in the past...

Nagpatuloy ako sa pagsusulat hanggang sa matapos and Professor sa pagsusulat kasunod non ay ang pagring ng bell.

"I'll check your notes tomorrow kung nakopya ba ninyo lahat itong naisulat ko sa board and i-review niyo iyan dahil magkakaroon tayo ng recitation bukas kaya maghanda kayo." Our Professor said.

"Yes Sir!" Everyone chorus.

"Then, You can go now and have a break. See you tomorrow." He said after bidding goodbye.

Iniligpit ko na ang notebook at ballpen ko saka sinilid sa bag. Kailangan ko ng makaalis dahil baka nagaantay na sa akin si Press sa Cafeteria. Yun kasi ang usapan namin. Every break time ay sa cafeteria nalang kami magmeet.

Pero sandali akong natigilan sa pag aayos ng gamit ng gumalaw ang katabing upuan ko. Gray stood up.

Habol ko na lang siya ng tingin ng maglakad ito palabas ng classroom.

Pinagpatuloy ko ang pagaayos sa gamit ko.

"Seem like you don't know each other."

Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakatayo na ngayon sa harapan ko.

"Hindi kami magkakilala." mahinang sabi ko at sinukbit ang bag sa balikat ko pagkatapos kong isara ang zipper non. Tumayo ako at paalis na pero humarang ang lalaki sa daraanan ko sana.

"Ano na naman bang kailangan mo?!" Pagtataray ko rito.

"Usap muna tayo babe pwede?" He said, smiling.

Luminga ako sa paligid. Ang lahat ng mga kaklase namin ay nasa amin na ang atensyon.

Naikuyom ko ang kamao ko. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noon habang pinagtitinginan ako ng mga tao.

Inis kong tinignan ang lalaking nasa harapan ko.

"Una sa lahat hindi ako baboy para tawagin mo akong Babe! Pangalawa, Hindi tayo close para ayain magusap! Pangatlo, wag kang haharang-harang sa dadaanan ko baka ikaw ang gawin kong daanan!" sikmat ko at saka ko ito nilampasan at nagmadaling lumabas ng room namin.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now