Chapter 6

229 23 8
                                    

Chapter 6

THIRD PERSON

Abala sa paghahanap ngayon ng kung ano si Archelly sa isang bookstore sa mall. Maaga palang ay nagpaalam na siya sa kaniyang Ina na kailangan niyang magpunta ng mall dahil may kailangan siyang bilhin. Pinayagan naman siya nito at nagpadala na ring ng listahan para sa grocery at maisabay sa pamimili.

Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bookstore pero hindi niya pa nahahanap ang hinahanap. Bumalik ulit siya sa parteng unang pinaghanapan niya at muling naghanap roon baka kasi naroon lang ang hinahanap. Pero nabaligtad na niya lahat ang naroon ang mga nakadisplay na libro pero hindi pa din niya nakikita.

"Miss, ano po bang hinahanap niyo? Kanina pa po kasi namin napapansin na paikot-ikot ka po dito." anang isang babae sa kaniya ng lumapit ito sa pwesto niya. Napaharap siya rito at kakamot-kamot sa kilay. Kanina pa siguro nagtataka ang mga ito sa kaniya kung bakit paikot-ikot siya sa loob ng book store.

"Pasensya na miss may hinahanap lang kasi ako." Paliwanag niya sa babaeng nagbabantay doon.

Ang babae naman ang napangiwi.

"Book po ba? Ano pong klaseng book?" Tanong uli ng babae sa kaniya.

Ngumiwi siya. Paano ba niya sasabihin na hindi niya alam kung ano bang hinahanap niya? Basta umalis na lamang siya ng bahay ng hindi man lang iniisip kung ano ang kailangan niyang bilhin basta pumasok na lamang sa isip niya na kailangan niyang magpunta ng bookstore!

"Uhm, Miss, hahanapin ko na lang ulit baka kasi nagtatago lang 'yon dito."

Napakamot sa ulo ang babae marahil nawiwirduhan sa kaniya.

"Sige ho Miss. Pero kung hindi niyo talaga mahanap magpatulong na lang kayo sa amin." Alok pa nito sa kaniya kapagkuwan ay ngumiti sa kaniya.

Nakangiting tumango siya sa babae at mabilis itong tinalikuran at nagtungo sa sulok at doon nagumpisang naghanap-hanap ulit!

Timang ka talaga Archelly!

Habang abala siya sa paghahanap ay hindi niya alintana ang taong kanina pa pala nakamasid sa kanya at kanina pa natatawang pinanunuod siya.

Yes! Finally I found you!

"Sa tagal mong nagikot-ikot dito sa loob iyan lang pala ang hinahanap mo? Pffft!"

Mabilis na napalingon si Archelly sa nagsalitang iyon mula sa kaniyang likuran.

"Ikaw?!" Bulalas niya pagkakita sa may-ari ng boses. Iyong lalaking nakabunggo niya! Iyong mayabang!

The one and only." Nakangising turan naman ng binata sa kaniya.

She rolled her eyes.

"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?!"

Napatawa naman ang binata sa sinabi niyang iyon.

"Wow ha? Ganda ka Miss para sundan ko dito? Assuming neto."

Nagusok ang ilong niya.

"Hambog!"

Tinalikuran niya ito at humakbang na papuntang counter para magbayad.

Naramdaman naman niya ang pagsunod ng binata mula sa likuran niya kaya hinarap niya ito.

"Akala ko ba hindi mo ako sinusundan? Bakit nandito ka na naman?"

"Baka magbabayad din ako? See this?" Iniangat nito ang isang kamay nitong may hawak na isang pack ng ballpen.

Sumiring siya saka muling tinalikuran ang lalaki at nagbayad na sa counter.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now