Chapter 11

229 25 14
                                    

Chapter 11

POV ARCHELLY

Kanina pa ako nakatayo dito sa may hallway kung saan nagaantay matapos sina Press. Nabored na ako kakaantay sa ilalim ng punong acasia kaya nagpunta na ako sa room nila at doon matiyagang nagantay. Inilabas ko na muna ang notebook ko kung saan nakasulat ng schedule ko.

Nanlumo ako ng makita ang schedule ko. May ilang subject na katulad ng nasa highschool ako. Monday whole day ang klase. Pagdating naman ng tuesday, Half-day lang kami. Wensday and Thursday may tig-isang vacant kami sa umaga at hapon pagdating ng Friday, whole day uli. Lahat ng subject ko ay tungkol sa kursong kinuha ko...Architect.

Bakit nga ba iyon ang napili kong course samantalang mahina naman ako sa math! Hindi naman ako bobo sa numbers pero slow lang ako minsan. Gayumpaman magtatyaga ako at pipilitin kong abutin ang pangarap kong makapagtapos ng architecture.

Naputol ang pagiisip ko ng makarinig ng ingay.

Umangat ang tingin ko sa classroom nila Press. Tapos na pala sila. Dali-dali kong ibinalik sa loob ng bag ang notebook ko at inabangan uli ang paglabas ng babae.

"Archelly!" Bulalas ng babae ng makita ako at mabilis na lumapit sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong pa nito.

Ngumiti ako at tumango.

"Oo."

"Buti hindi ka nainip? Ang tagal pa namin." Ani Press.

Naglalakad na kami palabas ng hallway. Dumaan pa muna kami sa girlsroom. Naramdaman ko kasing tinatawag ako ng kalikasan. After that, We went to the canteen.

"Wait hindi ka ba uuwi?" mayamayang tanong niya sa akin.

Ilang segundo muna akong hindi sumagot sa kaniya.

"Siguro hindi na. Dito nalang ako sa cafeteria kakain tutal first day naman natin kaya dapat na sulitin ko ang araw na ito."

"Sabagay tama ka. Dapat 'pag first day of School dapat first day sa lahat." sangayon niya sa sinabi ko.

"Paano si Kuya Leo at Baby Leon? Baka hanapin ka?"

Ngumiti siya kaya naman kitang-kita ko ang mapuputi at pantay na mga ngipin niya. Ang sabi ni Press. Madalas daw siyang nagpapacheck ng ngipin sa dental niya. Takot raw kasi itong magkaroon ng failed tooth. Ang ibig sabihin ay bukbok. Pinasosyal lang niya. -_-

"Itetext ko si Leo. Sasabihin kong hindi ako makakauwi ngayon dahil sasamahan kita."

"Hindi naman kaya magselos si Kuya Leo sa akin?" Simyento ko bagamang pabiro lamang.

Tumawa naman siya.

"Nope. He used to be like....your bother Archelly so don't worry. He's a understanding man." Nakangiting turang ng babae.

Lihim akong napangiti.

Tinuturing pala ako ng lalaki bilang nakababatang kapatid.

Nakita kong dinukot ni Press mula sa pocket ng bag niya ang cellphone. Napanguso pa ako ng makitang bago iyon at ang tatak ay ang latest IPhone X.

Buti pa ang mayayaman magpapalit ng gamit kung kailan gusto. Samantalang kaming mahihirap kailangan munang kumayod para mabili ang gusto.

"I'll text Leo." Narinig kong sambit ng babae.

Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kaniya. Busy na kasi ako sa pamimili ng memeryendahin. Since pareho kaming hindi pa gutom. Brunch nalang muna ang kakainin namin. Pero dalawang chips ng Nova at Roller coaster ang kinuha ko. Sawa na ako sa piattos kaya iba naman. Kumuha ding ako ng Beng-Beng chocolate. Naalala ko kasi si Ryu. Madalas siyang kumain non kapag naeistress daw sa akin. Hmp!

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now