Chapter 5

221 21 7
                                    

Chapter 5

THIRD PERSON

Kasulukuyang nag-aayos ng gamit niya si Archelly para sa darating na pasukan. Dalawang linggo na lang kasi bago magpasukan at kailangan niyang ihanda lahat ng kakailanganin para sa pasukan.

Hindi na siya bumili pa ng mga bagong gamit tulad ng Bag, Notebook at mga Ballpen dahil may mga natira pa naman na hindi niya nagamit noong nakaraang taon. Sa panahon ngayon kailangan niyang magtipid lalo na at kolehiyo na siya at hindi niya alam kung anong mangyayari sa oras na tumapak na siya sa pasukan.

Pinagmasdan niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng kaniyang kama. Maayos na iyon at ilalagay na lamang niya sa kaniyang bag na matagal niyang itinago sa Cabinet.

Ayos na lahat!

Awtomatikong napapihit ang ulo niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Nakalapag iyon sa ibabaw ng kama.

Mabilis niya iyong dinampot at tinignan. Kaagad na kumunot ang noo niya ng makitang sa messenger iyon nanggaling. She opened her Messenger Application.

Sino naman kaya ito? Bakit walang Dp?

Walang nakalagay na picture sa profile at nihonggo ang ginamit na words ng pangalan kaya tuloy hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin ng pangalan na iyon.

She read the messages.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

▪️Wait for me baby :)

Huh?

Sino naman kaya ito? Bakit may wait-wait pang nalalaman at pa-baby pa?

Nagtipa siya para replayan kung sinumang 'Wait for me Baby' na iyon.

🔸I don't wait cause I do not know you. Okay?

Pagkatapos niyang isend ang reply niya na iyon ay tinuon na niya uli ang atensyon sa pagaayos ng mga gamit.

Pero hindi pa man siya nakakapagumpisa ng muling tumunog ang messenger alert tone. Dali-dali uli niyang dinampot ang telepono at tinignan kung sino na naman ang nagchat.

▪️Just wait for me, baby. You'll get surprise.

Ano daw? Bakit naman ako masusurpresa? E hindi ko nga kilala ang 'isang ito!

Muli siyang nagtipa.

🔸Whoever you! Stop chatting-chatting to me! I'm busy person so stop sending me to wait-wait you! Hmp!

Send!

Inis niyang inilapag uli ang telepono sa ibabaw ng kama matapos magreply sa taong iyon. Pero wala pang ilang segundo ay muli na naman tumunog ang telepono niya.

▪️So hot?

Naningkit ang mga mata niya.

Nagtipa siya.

🔸Who are you?!

▪️Hulaan mo :D

Ay pashet! Nagtatagalog pala! At Pinahuhula pa ako ng siraulong ito!

Nanggigigil na nagtipa uli siya.

🔸 Kung Pilipino ka at naghahanap kanang mapagtitripan. Pwes! Tumigil kana baka ipakapon na kita!

▪️He-he. Ang sungit mo naman Miss.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now