Chapter 2

271 27 12
                                    

This is Archelly POV
Nabaliw na naman ang utak ko kaya hindi na naman nasunod ang unang plan. K! Yun lang!

Enjoy Reading!

Chapter 2

Nakatitig parin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan ko. Hindi ko maalis ang mata sa kaniya dahil gusto kong makasigurong namamalikmata lang ako at hindi totoo ang nakikita ko!

Imposibleng may kamukha siya!

Bahagya akong napalitlag ng tumikhim siya at pumitik gamit ang daliri nito.

"Is there something wrong, Miss?" Malalim at baritono ang pagkakatanong nito.

Tumikhim ako ng matauhan.

"W-wala. A-akala ko kasi—"

"That I look like your ex right?" putol niya sa sasabihin ko pa sana.

Ha? Ano daw? Ex ko?

Naginit ang mukha ko. Anong ex ang pinagsasabi niya! Wala pa nga akong nagiging boyfriend eh. Ex pa kaya? Hindi makatarungan 'yon!

Mabilis akong tumayo at pinagpag ang bandang pangupo ko. Medyo masakit iyon. Bumagsak ba naman ako semento.

"Correction lang ah." I started. "Wala pa akong nagiging boyfriend kaya wala akong ex!" Sambulat ko.

Nagtaas-baba ang makakapal nitong kilay.

"Totoo ang sinasabi ko!" Pangdedepensa ko kahit wala pa naman siyang ibang sinasabi.

"But you sounds defensive." Nakakalokong sabi pa ng lalaki.

Napalabi ako.

"Hindi! A-Akala ko kasi k-kahawig mo 'yon unggoy sa kapit-bahay namin kaya akala ko ikaw iyon!"

Nanlaki ang kaniyang mata. Iyong mga kasamahan naman niya nagsilaglagan ang mga panga.

"What did you say?!" Naguusok ang ilong na bulalas nito.

"Tunguno! Unggoy? BWAHAHAHA!" Bulalas ng isa sa mga kasama nitong may kulay puting buhok at tumawa ng malakas.

"Bro, May kahawig ka na palang unggoy? Kakaiba ah!" Segunda pa ng isa pang lalaking may berdeng buhok.

Bahagya kaming napaatras ni Thea nang makita kung paano magdilim ang gwapong mukha ng lalaki. Napakapit pa sa manggas ng damit ko ang babae. Mukhang kahit siya ay nakaramdam ng takot sa maaaring gawin ng lalaking ito sa amin.

"Sinong unggoy ang sinasabi mo ha?!" Pasigaw na tanong ng lalaki sa akin. Humakbang pa ito palapit sa amin ni Thea.

"Hanla kayo! Lagot kayo diyan! Nangangain ng babae 'yan!" Pananakot ng isa pang lalaking may mahabang buhok.

"T-teka nga bakit ka ba nagagalit? E wala naman akong sinabing unggoy ka ah? Hindi ka yata naglilinis ng tainga mo kaya iba ang naririnig mo." Pakli ko pa sa lalaki.

"What?!"

"POTA HAHAHAHAHA"

"Tunguno clown ba 'tong babae. Funny naman girl."

"Nice joking, Miss. Napatawa mo kami."

Nagkatinginan kami pareho ni Thea. Nagtataka sa inaasal ng mga lalaking nasa harapan namin.

Sayang. Ang gugwapo pero mukhang may sayad ang utak.

"Oh Shut up!" singhal ng lalaking nakabunggo ko sa mga kasamahan nito. Panay parin kasi ang tawanan.

Mayamaya ay binalingan uli ako ng lalaki. Ang mga mata nito'y naniningkit.

"You!" Nagtatagis ang bagang na sabi n'ya.

CRUSH KITA II ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now