KABANATA 2

59 11 0
                                    


Nanlaki ang mata ni Carlita sa kanyang narinig na pangalan ng binata. Hindi siya makapaniwala. Siya na ba ang Ernito na nakilala ko nang ako ay walong taong gulang?


Tila naglakbay na ang isip ni Carlita nang hindi na niya alam kung ano ang pinag uusapan ng kanyang ina at si Ginoong Ernito.


"Kung hindi niyo po mamasamain, ako'y mauuna na. At huli na ako sa aking kikitain na kaibigan." nagsimula nang magpaalam si Ernito.


"Naku, baka naabala ka namin sa iyong lakad?" ani ni Donya Carmena.


"Wala ho iyon, ikinagagalak ko na ako'y nakatulong. Ako ay mauuna na, Donya Carmena, Binibini." Binigyan ni Ernito ng matamis na ngiti si Carlita bago sila umalis. Bigla namula ang pisngi ng dalaga sa ginawa ng binata at kinagat ang labi upang pigilan ang pagngiti nito.


"Tayo na Carlita.." anyaya ng kanyang ina.


Habang nasaloob ng tindahan ng alahas si Donya Carmena at Carlita, hindi maiwasan ni Carlita na isipin kung ang binata kanina ay ang dati niyang nakilala. 'Ngunit hindi niya alam ang aking pangalan? Iyon kaya ang rason kung bakit tila hindi niya ako makilala?' naisip ni Carlita.


"Carlita, halika't iyong tingnan ang kuwintas na ito. Ikaw na ang humusga kung magugustuhan ba ito ni Cristina!" Masaya na tinig ni Donya Carmena sa anak. Agad na lumapit si Carlita at nakita ang isang gintong alahas.


"Donya Carmena, ako ay isang daang porsyento na sigurado. Ito'y magugustuhan ni Binibining Cristina!" komento ni Ginoong Cordero, ang may-ari ng tindahan ng alahas at ang mayamang mag-aalahas sa bayan.


"Tama si Ginoong Cordero ina, magugustuhan iyan ni ate," nakangiti na tugon ni Carlita.


Habang nasa loob ay naningin si Carlita ng mga alahas habang hinihintay ang kanyang ina. May isang hiyas na naagaw ang kanyang atensyon. Napakasimple nito ngunit nagustuhan agad ito ni Carlita.


"Natitipuhan mo ba iyan?" biglang tanong ni Ginang Natalia, ang asawa ni Ginoong Cordero.  Napangiti lamang si Carlita. Dalawang pares ang kuwintas.


"Maaari mo na ibigay ang isang pares sa isang espesiyal na tao, Binibini." hikayat ni Ginang Natalia.


"Ngunit ako ay wala pa po akong kasintahan,"


"Sino ba ang nagsabi na hindi pwede na bigyan ng regalo ang hindi kasintahan?" ngumiti si Ginang Natalia. "Ang magkapares na alahas na ito ay napaka espesyal at hindi namin ipinagbibili basta basta ng aking asawa. Ngunit maaari mo ito na balikan kung nais mo." ani ni Ginang Natalia.


"Maraming Salamat po, Ginang Natalia. Babalik nalang po ako kung ako ay may pagbibigyan na."


Nang pauwi na ang mag ina ay sinabihan ni Donya Carmena si Carlita na baka madami ang bisita na dadalo mamaya sa kaarawan ng kanyang ate. Nang makauwi sila ay agad silang naghanda. Sumapit ang alas-sais at nagsidatingan na ang mga bisita.

Makita Kang Muli [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon