Nagising si Carlita sa mga sigawan na nagmumula sa kanilang salas. Binalot ng kaba ang dalaga habang nagmamadaling bumaba sa kanilang salas upang malaman kung ano ang nangyayari. Laking gulat niya nang nakita niyang nakaluhod sa sahig si Cristina habang umiiyak sa kaniyang ama. At ang kaniyang ina na hawak-hawak ang braso ng asawa, pilit na pinapakalma. .
"Hindi mo ba naisip iyang kahihiyan na maaring idulot yan sa ating pangalan?!" Sigaw ni Don Crisanto sa panganay na anak.
"Patawad ama! Hindi ko po sinasadya-"
"Tumahimik ka!" Napahawak sa sentido ang matanda habang nandidiri ang paningin sa anak. Nakatayo lamang si Carlita sa may hagdanan, hindi pa nila siya nakikita. Gulong-gulo ang dalaga kung bakit galit na galit ang ama kay Cristina.
"Crisanto pakiusap huminahon ka! Pag-usapan natin ito ng iyong naka ng maayos!" Naiiyak na banggit ni Donya Carmena habang pilit padin na pinapakalma ang asawa. Ngunit sadyang galit na galit ito sa anak.
"A-Ama, p-patawad-" hindi pinansin ni Don Crisanto ang anak, sa halip ay tinawag niya ang isa sa kanilang kawal.
"Hanapin mo ang lalaking pinagsamantalahan si Cristina at iharap niyo siya saakin. Buhay man o patay." Baritonong utos ni Don Crisanto sa kawal.
"Ama huwag! Mahal ko po si Arnaldo! Pakiusap ama!" Napahagulgol si Cristina habang nagmamakaawa sa ama.
"Arnaldo? Sino'ng Arnaldo?! Ang ating kawal ba Cristina?!" Halos mapatid ang mga ugat sa pagsigaw ni Don Crisanto nang tumango ang anak.
"Nahihibang ka na ba ha Cristina?! Ikakasal kayo ni Ernito! Ano nalang ang sasabihin ng pamilya niya kapag nalaman nilang nagdadalang-tao ka?! At isang hampas-lupa ang ama?!" nagmura si Don Crisanto habang patuloy na umiiyak ang anak niya.
"Mahal huminahon ka! Iyang puso mo Diós Ko!" Nag aalalang pagpapakalma ni Donya Carmena. Sa kondisyon ni Don Crisanto ay makakapatay na siya.
"Hihiwalayan mo yang kasintahan mo na iyan at ipapalaglag mo 'yang batang dinadala mo." Mahinahon at walang awang utos ni Don Crisanto.
"Ama nakiki-usap ako!"
"Crisanto! Maawa ka sa batang walang kamuwang muwang!"
"Susundin mo ang utos ko Cristina, at kay Ernito ka magpapakasal! Tapos ang usapan!"
"Ama si Arnaldo ang minamahal ko at hindi si Ernito!" pagsasagot ni Cristina sa kanyang ama. Akmang saaampalin ni Don Crisanto si Cristina nang humarang si Carlita.
"Ano ito Carlita?! Kakampihan mo yang kapatid mo na gumawa ng kataksilan?!"
"Ama tama na po! Huwag niyong pilitin si ate Cristina na pakasalan ang taong hindi naman niya mahal para lang sa ating pangalan!" Sagot ni Carlita habang nasa kanhang likod ang ate'ng nakaluhod at luhaan. "At huwag niyo po idamay ang bata na nasa sinapupunan ni Cristina. Ama walang kasalanan ang bata.." mangiyak-ngiyak na pakiusap nito sa ama.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli [Completed]
Historical FictionAng pagmamahal ay may kaakibat na sakit. Kung hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal. Ating tunghayan ang kuwentong ito na nilalaman kung paano sinubok ang pagmamahalan ni Ernito Alvarez at Carlita Bonifacio ng taong 1874.